Kamakailan lamang, nagbigay ang aktor na si Robin Padilla ng kaniyang opinyon sa posibleng pagsasara ng ABS-CBN.
Kamakailan lamang, nagbigay ang aktor na si Robin Padilla ng kaniyang opinyon sa posibleng pagsasara ng ABS-CBN sa darating na Marso dahil sa hindi pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ng franchise renewal nito.
Nagbigay rin siya ng suporta para sa franchise renewal ng naturang TV network ngunit nagbigay din siya ng pahayag sa ilang empleyado ng ABS-CBN na nakakaranas ng hindi patas na sweldo at benepisyo mula sa naturang network kumpara sa sweldo na natatanggap ng mga regular employees kahit parehas namang nagtatrabaho ng matgal na oras ang mga regular at non-regular employees.
Hinikayat din ni Robin ang kapwa niya mga artista na depensahan rin ang karapatan ng mga empleyado ng ABS-CBN bago nila depensahan ang may-ari ng broadcasting media.
Saad ng aktor,
"Gusto niyo pala itama ang mali aba't umpisahan natin sa una. Pag-usapan muna natin ang tamang sweldo, benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting. Bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya, unahin niyo yung tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees. Paano yung mga hindi regular?"
Sinabi din ng aktor na hindi siya tutol sa franchise renewal ng ABS-CBN ngunit n ang pagbibigay ng patas na trato mula sa mga regular at non-regular employees ng ABS-CBN ay magiging isang daan para na rin mabago na ang ikot ng working state sa industriya ng showbiz.
"I am not against ABS-CBN franchise but we have to be real, this is the only chance na kayo ang maging daan para mabago ang takbo ng working state nating lahat sa entertainment industry."
Pagpapatuloy ng aktor,
"Magpagamit muna kayo sa mahihirap, sa mga taong nagdala sa inyo sa kasikatan bago sa mga mayayaman."
COMMENTS