Alam niyo ba na ang pag-iyak ay hindi lang lang napapagaan ang ating pakiramdam? Isa din itong paraan para tayo ay makapagbawas ng timbang.
Kapag tayo ay nasaktan, isa sa madalas nating gawin upang maibsan ang sakit ay ang pag-iyak. Talaga namang epektibo ang ganitong pamamaraan upang gumaan ang ating pakiramdam.
Ngunit, alam niyo ba na hindi lang nito napapagaan ang ating pakiramdam? Isa din itong paraan para tayo ay makapagbawas ng timbang. Gaano nga ba ito katotoo?
Ayon kay Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group ay mayroon daw tatlong uri ng luha. Ito ay ang Basal, Reflex at Psychic.
Ang Basal na luha ay sinasabing nakakatulong upang mas maging moist ang ating mga mata o nagsisilbi itong lubricant ng mga mata.
Samantalang Reflex na luha naman ang nagpprotekta sa ating mata laban sa mga irritants sa ating paligid na maaaring makasira ng ating paningin.
Ang Psychic Tears naman ay ang luha ng dahil sa emosyonal nating nararamdaman. Ang Psychic Tears ang siya ding nagppromote ng Weight Loss.
Ngunit, paano nangyayari iyon? Narito ang maikling paliwanag:
Ang ating katawan ay natural na naglalabas ng maraming chemicals at isa na dito ang tinatawag na “Cortisol”. Ang Cortisol ay kilala din sa tawag na “Stress Hormone” na kung saan ito ang nagreresponse sa ating katawan kapag tayo ay nasa isang emergency situation.
Sinasabing ang cortisol ang nagreregulate din ng blood sugar, blood pressure and pati na din ang ating paggising at pagtulog. Ito din ang nagmamanage kung paano gagamitin ng ating katawan ang protina, fats at carbohydrates na pumapasok sa ating katawan.
Kaya sa madaling salita, kapag tayo ay stress ay tumataas ang cortisol hormones sa ating katawan pati na din ang fats. Kaya kung iiyak ka ay kasabay nitong mababawasan ang cortisol at mararamdaman ang pag gaan ng pakiramdam kasama na din ang pagbburn ng fats sa loob ng iyong katawan.
Sabi nga nila, hindi masamang umiyak dahil ang pag-iyak ay di lang pala makakatulong sa pagpapagaan ng ating problema bagkus malaki din ang maitutulong nito sa pagpapagaan ng ating mabibigat na katawan.
COMMENTS