Ang relasyon ng dalawa ay nagsimula nang maging manager si Steven ng coffee shop.
Marami naman sa mga netizens ang bumilib sa babae dahil sa paraan nito na pag-iimbestiga upang malaman ang tungkol sa kaniyang asawa at sa kabit nito.
Humanga rin sila sa babae dahil sa pagiging kalmado nito kahit pa man mayroong galit sa kaniyang puso dahil sa ginawa ng dalawa sa kaniya.
Si Nelly Sula, 37 taong gulang, isang domestic helper at nagtatrabaho sa Al Khobar, Saudi Arabia.
Kwento niya, kahit pa man siya ay nasa Saudi pa, nararamdaman na niya noon pa man na ang kaniyang asawa na si Steven Sula, 31 taong gulang, nakatira sa Pasig City at walang trabaho, ay gumagawa na ng kalokohan habang siya ay nasa malayo.
Dati daw, ay mayroong isang coffee shop na pinamamahalaan si Steven at kalaunan ay naging isa din itong Grab driver. Ngunit, kahit pa man ito ay may trabaho, palagi pa rin daw itong dumadaing sa kaniya na ito ay walang kapera-pera.

Ayon naman kay Nelly, kada buwan ay nagpapadala siya ng nasa Php40,000 kay Steven. Bukod pa dito, kumikita rin ang kaniyang asawa sa pagiging isang Grab driver.
Ngunit, nagsimula nang magtaka si Nelly dahil madalas ay nauubusan ng pera ang kaniyang asawa. Ani din ni Nelly, naiintindihan naman niya na ang ilang bahagi ng pera na kaniyang pinapadala ay nagagastos naman para sa pangangailan ng kaniyang anak dahil kailangan nitong sumailalim sa therapy.
Ngunit, aniya ang hindi lamang niya maintindihan kung bakit ganoon kabilis maubos lahat ng pera na kaniyang pinapadala at kinikita nito.

Ito pala ay dahil niloloko na siya ni Steven at mayroon na itong ibang babae na nagngangalang Ameila Guittap, 26 taong gulang at staff ng isang coffee shop sa Mandaluyong.
Ang relasyon naman ng dalawa ay nagsimula nang maging manager si Steven ng coffee shop. Nagkita daw umano ang dalawa sa opening ng coffee shop noong Hulyo 2. Ngunit, di kalaunan, nahulog ang loob nina Amelia at Steven sa isa't isa at doon na nga nagsimula ang kanilang relasyon.
Mayroon pang pagkakataon na pumupunta si Amelia sa apartment na tinutuluyan nila ni Steven. Hindi rin daw tinigil ni Amelia ang pakikipag-relasyon niya kay Steven kahit pa man alam nito na mayroon ng anak si Steven na kailangan namang pagtuonan ng pansin.
Nagalit naman si Nelly sa dalawa dahil ginagamit ng mga ito ang pera na pinaghirapan niyang makuha sa pagtatrabaho.
Matapos naman makakuha at makakolekta si Nelly ng mga ebidensya mula sa apartment na kanilang tinutuluyan at mula sa mga malalapit na tao na tumulong sa kaniya, pumunta siya kay Idol Raffy upang manghingi ng tulong laban sa kaniyang asawa na si Steven.
COMMENTS