Kamakailan lamang, naiulat na ang mga Thai doctors ay nakahanap na rin ng paraan upang mapagaling ang mga tao na mayroong kaso ng novel coronav1rus.
Kamakailan lamang, naiulat na ang mga Thai doctors ay nakahanap na rin ng paraan upang mapagaling ang mga tao na mayroong kaso ng novel coronav1rus.
Ayon sa ulat ng CNA, ang mga doctor ay pinaghalo ang H1V medicine at flu medicine na nakatulong naman para sa mga pasyente na nahawahan ng naturang v1rus at gumaling sa loob lamang ng 48 oras matapos ilagay sa kanila ang gamot.
Ang pangyayari naman na ito ay nangyari sa Rajavithi Hospital sa Bangkok kung saan isang 70 taong gulang na babae mula sa Wuhan at iba pang pasyente na mayroong coronav1rus ay sumasailalim sa naturang gamutan.
Naiulat din na ang naturang babae ay 10 araw ng mayroong v1rus simula nang ito ay mahawahan at ito ay kaagad naman dinala sa naturang ospital para naman sumailalim kaagad sa gamutan para sa v1rus kung saan kasama na rito ang pinaghalong anti-H1V drgs na ritonavir at lopinavir na sinamahan naman ng flu drug oseltamivir na mayroong malalaking dosage.
Saad naman ng isang lung specialist sa Rajavithi na si Dr. Kriangska Atipornwanich,
“This is not the cure, but the patient’s condition has vastly improved. From testing positive for 10 days under our care, after applying this combination of medicine the test result became negative within 48 hours.”
Pagpapatuloy niya, “The outlook is good but we still have to do more study to determine that this can be a standard treatment.”
Sa kabilang banda, maging ang mga Chinese health officials ay ginagamit rin ang flu at H1V drgs para mapagaling ang mga pasyente na mayroong coronav1rus.
Ayon naman sa mga Thai doctors, ang paggamit ng pinagsama-samang ritonavir, lopinavir, at oseltamivir ay tila nakakatulong naman sa pagpapagaling ng mga nahawahan ng coronav1rus.
Ayon naman sa mga Thai doctors, ang paggamit ng pinagsama-samang ritonavir, lopinavir, at oseltamivir ay tila nakakatulong naman sa pagpapagaling ng mga nahawahan ng coronav1rus.
Noong isinagawa nila ang parehas na lunas sa kanilang dalawang pasyente, ang katawan ng mga ito ay nagkaroon ng ibang rekasyon kung saan ang isa ay gumaling habang ang isa ay nagpakita ng allergic reaction sa naturang gamot.
Saad ng director-general ng Medical Services Department na si Somsak Akkslim,
“We have been following international practices, but the doctor increased the dosage of one of the drgs. The health ministry will meet on Monday to discuss the successful treatment in the case of the 70-year-old but it is still too soon to say that this approach can be applied to all cases.”
Dagdag pa niya,
“Initially we will apply this approach only to severe cases.”
Sa ngayon, wala pang naiuulat na lunas para sa novel coronav1rus, ngunit, magandang balita na rin para sa mga nahawahan ng coronav1rus at sa mga tao na ang mga doctor ay nakahanap na rin ng paraan para mapabuti at mapagaling ang mga pasyenteng nahawahan ng v1rus.
COMMENTS