Sinasabing ang pinakamalaking kinita ni Kobe ay noong nag endorsed siya sa Nike.
Kilala si Kobe Bryant bilang isang magaling na atleta pagdating sa sports na basketball. Bukod sa pagiging aktibo sa basketball ay madami din siyang inendorsong produkto sa pamamagitan ng mga TV at Media Ads Commercials.
Kaya naman masasabi nating super blessed si Kobe at ang pamilya nito.
Ngunit, ngayong wala na si Kobe, magkano kaya ang naiwang yaman nito para sa kanyang pamilya?
Hindi maitatanggi ang yaman ni Kobe Bryant. Ito ay dahil na din sa mga commercials at pagiging magaling na basketbolista.
Sa katunayan ay itinuring siya bilang highest paid athlete sa history ng basketball ayon sa Forbes.
Si Kobe Bryant din ay mahilig sa mga sports car at nakabili lang naman siya ng mercedez benz at ferrari na malaginto ang presyo at tanging mga mayayaman lang talaga ang makakabili nito.
Siya ay kasal kay Vanessa Bryant at may apat na anak. Naging isyu pa nga ang divorce sa pagitan nilang dalawa noong 2011 na kalaunan ay naayos naman nila.
Nang magningning ang pangalang Kobe Bryant sa NBA ay sunud sunod ang mga awards na natanggap niya.
Nariyan na ang moment ni Kobe na nalagpasan niya ang NBA record ni Michael Jordan bilang "Most Career Points sa NBA All-Star Game History."
Nanalo din nag kanilang koponan na Lakers ng limang beses bilang NBA Champion at madami na din siyang napanalunan na MVP Award sa NBA. Hanggang sa noong 2016 ay naisipan niya ng magretiro sa basketball at nagsimulang magtayo ng basketball camp na siyang naging coach.
Inendorso ni Kobe ang madaming sikat na brand at produkto tulad ng Nintendo, Turkish Airlines at Sprite.
Sinasabing ang pinakamalaking kinita ni Kobe ay noong nag endorsed siya sa Nike na kung saan ay kumita siya ng $10 million taon taon.
Sa ngayon na wala na siya ay aabot daw sa $600 million ang kanyang networth ayon sa Celebrity Networth na kung saan $25 million ang kinikita niya taon taon.
COMMENTS