Ayon sa Taguig PNP, noong Huwebes ng gabi umano ay sinuntok ni Matteo ang bodyguard ni Sarah.
Ang dapat sana'y masayang civil wedding ng aktor na si Matteo Guidicelli at ng actress-singer na si Sarah Geronimo ay nauwi sa nakakalungkot na pangyayari matapos umanong suntukin ng aktor ang isang bodyguard.
Ayon naman sa Taguig pulis, noong Huwebes ng gabi umano ay sinuntok ni Matteo ang body guard ni Sarah na si Jerry Tamara.
Ang pangyayari naman ay naganap sa loob ng isang luxury hotel sa Bonifacio Global City habang ginaganap naman ang civil wedding rites ng magkasintahan.
Base naman sa ulat ng mga pulis, ni-report ni Tamara noong Biyernes ng umaga ang ginawang panuntok ni Matteo sa kaniyang lalamunan matapos malaman diumano ni Matteo na pumunta ang nanay ni Sarah na si Divine ng hindi inaasahan habang ginaganap ang seremonya para sa kanilang civil wedding rites.
Saad naman ni Tamara, bandang 11 ng gabi nang siya ay suntukin ng 29 taong gulang na aktor dahil nalaman nito na ang bodyguard ang nagsabi sa ina ni Sarah na ang kasal ay gaganapin noong gabi na iyon.
Samantala, hindi naman alam ni Mommy Divine na magkakaroon pala ng seremonya para sa kasal at nais rin niyang kausapin ang kaniyang anak tungkol dito at kung bakit ito ay hindi sinabi sa kaniya.
Ani naman ng mga pulis, dala dala ni Tamara ang mga temporary medical certificates niya noong ni-report niya ang pangyayari bilang pruweba na rin sa mga pinsala at sugat na kaniyang natamo. Gayunpaman, ayaw naman magsampa nito ng kaso laban sa aktor.
Noong mga nakakaraang buwan, ilang balita na rin ang kumakalat dahil na rin hindi gusto ni Mommy Divine si Matteo para sa kaniyang anak na si Sarah.
Inanunsyo naman ng celebrity couple o mas kilala sa tawag na 'AshMatt' ang kanilang engagement noong Nobyembre 2019. Noong taong 2014 naman ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon.
COMMENTS