Bilang kaniyang final performance, pinili niya ang kanta nila Celine Dion at Peabo Bryson noong 991 na pinamagatang "Take as Old as Time" na nakilala nilang theme song ng Disney's Beauty and the Beast.
Marami ang lubusang napahanga at nagulat sa dalawang boses na pag-awit ni Marcelito Pomoy Sa America's Got Talent anupat nakaka-kanta siya ng parehas na soprano at tenor.
Nakaabot na si Marcelito Pomoy Sa Final Round ng AGT Season 2 : The Champions. Challenge kay Marcelito kung paano pa niya hihigitan ang kaniyang mga nakaraang performance kung saan kinanta niya ang The Prayer at Time To Say Goodbye.
Bilang kaniyang final performance, pinili niya ang kanta nila Celine Dion at Peabo Bryson noong 991 na pinamagatang "Take as Old as Time" na nakilala nilang theme song ng Disney's Beauty and the Beast.
Ibinahagi din ni Marcelito Pomoy na ang judge na si Simon Cowell at ang AGT Music team ang pumili na kakantahin niyang Awit para sa kaniyang final performance.
Marami ang nasasabik sa magiging performance ni Marcelito at kung mahihigitan pa niya ang nkalipas niyang mga performance. Ngayon, mapapanood na ngayon ang full performance ni Marcelito Pomoy Sa Youtube. Umani na rin ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen at fans ni Marcelito.
May nag-comment na kung papipiliin ang mga audience, malamang na si Marcelito na ang panalo dahil nagustuhan ng halos lahat ng audience ang kaniyang performance.
May nag-comment na kung papipiliin ang mga audience, malamang na si Marcelito na ang panalo dahil nagustuhan ng halos lahat ng audience ang kaniyang performance.
May mga nagsabi naman na isa ito sa mga epic performance ni Marcelito at nag-cheer pa para sa kaniya.
May netizen naman ang nag-comment tungkol sa ginawa ni Simon. Si Simon ang pumili ang aawitin ni Marcelito. Nabakas naman ang lungkot sa mukha ni Marcelito ng mapakinggan ang negatibong komento ng AGT Judge na si Simon Cowell.
May nagsabi din na binaliktad ni Simon si Marcelito. Aniya, "inamin na ni Marcelito na si Simon at music team ng AGT ang pumili ng kanta. Bakit ngayon sasabihin nila Simon wrong choice of song? I smell something fishy here."
Anuman ang resulta ng final performance ni Marcelito, napatunayan na niya ang husay sa buong mundo at talagang world class ang talento niya.
COMMENTS