Ngayon naman na siya ang nangangailangan, ang batang babae na tinulungan niya ay isa na ngayong ganap na doctor na siya namang nagligtas sa buhay niya.
Madalas, naririnig natin sa mga tao ang pahayag na kapag ibinahagi natin ang mga blessings na ating natatanggap sa ibang tao, lalo na sa mga nangangailangan, ito ay maaaring bumalik sa atin. Hindi lamang doble kung hindi maaaring triple pa.
Maaaring ang iba ay iniisip na ito lamang ay isa sa mga kasabihan, ngunit, ito ay pinatunayan ng isang lalaki.
Labing isang taon na ang nakakalipas simula nang tulungan ng isang lalaki na mula sa China ang isang babae dahil sa hirap at mga pagsubok na pinagdaanan nito nang tumama ang malakas na lindol sa lugar kung saan sila nakatira.
Ngayon naman na siya ang nangangailangan, ang batang babae na tinulungan niya ay isa na ngayong ganap na doctor na siya namang nagligtas sa buhay ng lalaking Chinese national na tumulong sa kaniyang makabangon muli sa buhay.
Ngayon naman na siya ang nangangailangan, ang batang babae na tinulungan niya ay isa na ngayong ganap na doctor na siya namang nagligtas sa buhay ng lalaking Chinese national na tumulong sa kaniyang makabangon muli sa buhay.
Ang babae naman ay nakilala bilang si Tam Ling. Ang kaniyang ama ay mayroong kapansanan habang ang kaniyang ina naman ay mayroong malalang sakit.
Kaya naman, bilang panganay na anak, si Tam Ling na ang nag-alaga sa kaniyang dalawa pang nakababatang kapatid.
Kaya naman, bilang panganay na anak, si Tam Ling na ang nag-alaga sa kaniyang dalawa pang nakababatang kapatid.
Ngunit noong taong 2008, isang malakas na lindol na mayroong 7.9 magnitude ang tumama sa tinitirhan ni Tam Ling at ng kaniyang pamilya. Hindi naman natukoy kung ilang taon na si Tam Ling noon.
Dahil sa nangyari, napilitan sila na manirahan muna pansamantala sa tirahan ng kanilang kapitbahay dahil na rin wala silang sapat na pera para maipatayo muli ang kanilang tirahan.
Nakilala naman ni Zheng Hua si Tam Ling, kung saan ito ay humanga sa kwento nito at sinabi na nakikita niya ang kaniyang sarili sa kalagayan ni Tam Ling noong siya ay bata pa.
Si Zheng Hua ay lumaki ng mahirap kaya naman alam niya kung ano ang nararamdaman noon ng batang babae. Kaya naman, binigay dito ang kaniyang cellphone number at sinabi niya kay Tam Ling na tawagan siya kapag nakapagtapos na siya ng high school.
Si Zheng Hua ay lumaki ng mahirap kaya naman alam niya kung ano ang nararamdaman noon ng batang babae. Kaya naman, binigay dito ang kaniyang cellphone number at sinabi niya kay Tam Ling na tawagan siya kapag nakapagtapos na siya ng high school.
Matapos naman makapagtapos ni Tam Ling, kaagad tinawagan ng kaniyang tatay si Zheng Hua upang ito ay ibalita. Nireekomenda naman dito ni Zheng Hua na mag-enroll si Tam Ling sa isang medical college at binayaran na rin niya ang tuition fee ni Tam Ling para sa unang taon ng pag-aaral nito. Si Zheng Hua na din ang nagbayad ng mga kakailanganin sa pag-aaral naman ng dalawang nakababatang kapatid ni Tam Ling.
Nang maging isang certified optometrist na si Tam Ling, kaagad niyang ginamit ang kaniyang propesyon at nagtrabaho sa isang lokal na ospital.
Noong Marso 19, 2019, dinala naman si Zheng Hua sa ospital kung saan napag-alaman na siya ay mayroong brain aneurysm. Ngunit, ang ospital kung saan siya dinala ay ang ospital kung saan rin nagtatrabaho si Tam Ling.
Nang malaman ni Tam Ling na kailangan dalhin si Zheng Hua sa ospital kung saan siya nagtatrabaho, kaagad naman inayos ni Tam Ling ang lahat para dito. Dahil na rin nagtatrabaho sa ibang lugar ang asawa ni Zheng, ginawa naman ni Tam Ling at ng kaniyang asawa ang lahat ng kanilang makakaya para alagaan si Zheng Hua, mula sa pag-admit dito sa ospital hanggang sa mga check-ups nito ay sinasamahan nila ito.
Ang sakit naman ni Zheng Hua ay mabilis ding naghilon dahil na rin sa tulong na ginawa ni Tam Ling. Ani Zheng Hua,
"11 years ago, I put her through the medical school. Eleven years later, she saved my life! I shared this story because I want to motivate others to spread kindness!"
COMMENTS