Talaga nga kayang nag-time travel ang lalaking nakuhan ng larawan ng taong 1975 at taong 2019?
Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang dalawang aksidente na naganap mahigit apat na dekada na ang nakakaraan.
Batay sa larawan, makikita ang isang lalaki na sinasabi ng ilan na baka nga isang Time Traveller.
Batay sa larawan, makikita ang isang lalaki na sinasabi ng ilan na baka nga isang Time Traveller.
Talaga nga kayang nag-time travel ang lalaking nakuhan ng larawan ng taong 1975 at taong 2019?Kung gayon nga, palaisipan naman sa marami kung bakit ginustong bumalik ng lalaking nasa larawan sa isang panahon na may magkatulad na aksidente?
Taong 1975 nang magkaroon isang aksidente sa kalsada sa ibabaw ng overpass sa Liwasang Bonifacio. Makikita sa isang larawan sa diyaryo ang tatlong pampasaherong bus na nagkagitgitan sa dahil sa pag-uunahang makaabot sa taas ng overpass.
Sa tindi ng pagkakagitgitan ng tatlong bus, halos imposible nang makagalaw ang isa man sa mga bus kaya naman napakatinding perwisyo sa trapiko ang idininulot nito.
Sa tindi ng pagkakagitgitan ng tatlong bus, halos imposible nang makagalaw ang isa man sa mga bus kaya naman napakatinding perwisyo sa trapiko ang idininulot nito.
Taong 2019 naman, sa isang katulad na kalsada, naganap muli ang kaparehas na aksidente kung saan, muling tatlong pampasaherong bus ang nagkagitgitan at walang makagalaw ni isa man. Nagdulot din ito ng matinding traffic at perwisyo sa mga motorista.
Kapansin-pansin ang pagkakatulad ng dalawang aksidente na nagpapakita na hindi natututo ang ilan sa mga motorista sa nakaraang mga aksidente anupat nauulit pa ang mga ito. Marami ring mga netizen ang nag-react dahil sa kawalan ng disiplina ibang mga driver na pansariling kapakanan lang ang iniintindi.
May ilan naman sa mga netizen ang nahiwagaan sa larawan ng lalaki sa magkaibang larawan ng aksidente nang taong 1975 at 2019. Halos magkaparehas kasi ang tindig, kasuotan at paraan ng pagkakatayo ng lalaki na talagang ipinagtaka ng mga netizen.
Iniisip ng ilan na baka iisa lang ang lalaki na nasa larawan ng 1975 at 2019 na aksidente. Nagbibiro naman ang ilan na baka isa siyang Time Traveller na bumalik sa katulad na aksidenteng kinasangkuyan niya sa di-malamang dahilan.

COMMENTS