Ang sakit sa puso ng post na ito dahil pangiti ngiti lang si kuya pero ang totoo ay nahihirapan din sya at nangungulila sa pamilya niya sa Cotabato City.
Sa mundong ito ay marami ang pwede nating pagpilian kung ano ang gusto nating maging propesyon o trabaho. Mayroong petiks lang, mayroong pang brainy at meron din dyang pambuwis buhay kung tawagin.
Isa sa mga buwis buhay na propesyon ay ang pagiging isang Security Guard o sa maikling salita “Sekyu”.
Tungkulin nila na bantayan ang nakaatang sa kanila at panatilihing ligtas ang lugar ng kanilang binabantayan. Buwis buhay ito dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari kung sakaling may masasamang tao na manakit sa kanila.
Ang nakikita niyo sa larawan ay si Sg. Aries D. Abas. Siya daw ngayon ay nakaduty sa isang mall. Ito ay ipinost ng kapwa niya sigurong sekyu kasabayan niya sa pagkain at narito ang caption ng post.
Kasabayan sa pagkain:
Me: Bas, Chicherya ulam mo?
Him: Uo Sir. Ang dami ko kasing sinusuportahan sa Cotabato, Sir.
Me: Baka magkasakit ka niyan, straight duty ka pa naman.
Him: Sanay na ako Sir. Di bale, balang araw pag makatapos sila, sana hindi na ganito. Inshallah
Ang sakit sa puso ng post na ito dahil pangiti ngiti lang si kuya pero ang totoo ay nahihirapan din sya at nangungulila sa pamilya niya sa Cotabato City.
Sa likod ng kanyang mga ngiti ang nakakubling lungkot na nararamdaman niya. Ang ulam niya na chichiria ay ginagawa lang nating pampulutan ngunit para sa kanya ay ulam na iyon at lamang tiyan din kung maituturing.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 115,000 na reactions ang naani nito sa socmed. Sinabayan din ito ng madaming gustong tumulong sa sekyu na si kuya aries.
Saludo kaming lahat sayo kuya sekyu! Sana magbunga ng maganda ang lahat lahat ng sakripisyo, hirap at buong pusong pagmamahal mo sa iyong pamilya.
COMMENTS