Sa kabilang banda, habang siya ay kabilang sa mga beauty contest ay nagttrain din pala siya upang maging piloto.
Sa isang patimpalak na tulad ng mga beauty pageants ay mayroon talagang nanalo at natatalo. Ang mga babaeng lumalaban sa mga ganitong contest ay talaga namang nakakabilib.
Ngunit, mas nakakahanga kung beauty queen kana, piloto ka pa.
Oo, tama ang inyong nabasa ang magandang babae na nasa larawan ay si Binibining Angeline Flor Pua ay naging isang beauty queen at ngayon ay piloto na.
Si Ms. Flor Pua ay kinoronahan bilang Miss Philippines Europe 2016, Miss Antwerp 2018 at Miss Belgium 2018. Nitong taong 2019 naman ay nirepresenta niya ang bansang Belgium sa Miss World 2018 at Miss Universe 2019.
Ngunit, maniniwala ba kayo kung sasabihin ko sa inyo na isa pa lang Pinay itong magandang dilag na ito.
Siya ay ipinanganak sa Belgium at ang kanyang nanay at tatay ay mga Pilipino. Si Miss Flor Pua ay 24 na taong gulang nang sumabak sa mga beauty pageants.
Sa kabilang banda, habang siya ay kabilang sa mga beauty contest ay nagttrain din pala siya upang maging piloto. Lingid sa kaalaman ng lahat na nag-aaral pala siya habang rumarampa sa entablado at winawagayway ang bansang Belgium.
Sabi niya sa isang interview ay "I’ve always been fascinated by aviation. I am fond of traveling and I love to be in control. Someone once told me ‘choose a job you love and you will never have to work a single day in life."
Sinabi din niya na ang pagpapalipad ng eroplano ay parang pagrampa din sa isang beauty contest. Kailangan nito ng masinsinang trainings at applications upang mapagtagumpayan ang gustong maging goal sa buhay.
Dagdag din niya na hindi biro ang pagiging piloto dahil bukod sa mahal ang kursong ito ay kailangan din dito ang matinding pagsusunog ng kilay, tapang, determinasyon at pagsisikap.
Way up to go Miss Angeline Flor Pua! Itaas mo ang bandera ng Pinas! Kudos!
COMMENTS