Ang sabon daw na ito ay may dalawang uri ng amoy, ito ang lavender at peach orchard.
Ang lugar ng Malawi ay matatagpuan sa bansang Africa. Nandito sa lugar na ito umano ang isang nagpapakilalang propeta daw siya ng Panginoon.
Siya si Shepherd Bushiri at madami na daw siyang napagaling na may mga taong may sakit. Kilala siya sa pagiging pastor na naghahatid ng mga salita ng Diyos.
Sa kabilang banda, siya ay may alegasyon na siya daw ay nagbebenta ng sabon na nakakahugas daw ng mga kasalanan ng tao.
Ang sabon daw na ito ay may dalawang uri ng amoy, ito ang lavender at peach orchard. At sa katunayan ito ay nagkakahalaga ng $50 o Php2,500 kada bareta.
Kung nababasa mo ito ay malamang isa ka din sa napataas ng kilay dahil sa gintong sabon na ito na may mahika kuno. Ngunit, ang mga ganitong advertisement daw ay hindi sinang-ayunan mismo ni Bushiri dahil isa daw itong pekeng balita at hindi daw ito totoo.
Sabi niya ay ito daw ang pangalawang beses na siya ay binatikos ng isang fake news. Ang una daw ay nagkaroon daw siya ng asawa at buntis daw ang babae na agad agad niya ring idineny at wala din itong katotohanan.
Ang sagot niya daw sa mga ganyang pekeng balita ay isa lang ang sandata upang mawala ang ating mga kasalanan at iyon ay ang "dasal".
Sa ngayon ay trending ang post na ito tungkol kay Bushiri. Payo lang sa lahat ay wag agad maniniwala sa mga sabi sabi at nagkakalat sa mga socmed. Dahil tulad ni Bushiri ay isa din syang kay kapwa tao natin na may pakiramdam at nasasaktan din siya tulad natin.
Huwag din tayong bibili ng kung ano ano na makakapaghugas ng kasalanan natin dahil tanging ang pagdadasal at pagsisisi ang maaari nating gawin upang tayo ay mapatawad sa kung ano man ang nagawa natin.
COMMENTS