Ibinahagi ni Max Udomsak ang kalagayan ng isang matanda nag bebenta ng lugaw sa araw araw.
Sa buhay ng isang tao may tinatawag na mayaman, may kaya o di kaya mahirap. Kung sa palagay mo ay kumakain ka ng 3 beses sa isang araw, may inuuwian, sinasadalan tuwing nangangailan, buo ang pamilya, ikaw ay napaka swerte na.
Ngunit meron isa sa atin na kapos, walang masandalan at walang ma uwian. Gaya lamang noong ibinahagi ng isang Netizen ang kalagayan ng isang lolo na nag titinda ng lugaw para mairaos ang pamumuhay sa araw araw.
Ibinahagi ni Max Udomsak sa Bangkok, Thailand ang kalagayan ng isang matanda nag bebenta ng lugaw sa araw araw. Ngunit sa kabila nito, siya ay kumikita lamang ng 34 pesos madalas sa isang araw.
Ibinibenta niya ito sa halagang 34 pesos at 40 naman kung may kasamang itlog. Ngunit sa kabilang banda, inaabot si lolo ng ilang oras bago maka benta at madalas daw ay wala pang bumibili sa kanya.
Si lolo ay nakatira lamang sa abandunang bahay dahil nasunog daw ang bahay nya noon. Dahil kapos at walang tulong sa buhay, hindi niya makayanan na umupa sa isang bahay at gumagamit lamang siya ng trapal at tarpaulin ng sa gayon ay hindi sya mabasa at may magsisilbing proteksyon sa kanyang pag tulog tuwing umuulan.
Mula alas tres ng madaling araw ay nagsisimula na mag tinda si lolo. Hanggang sa maabutan sya ng gabi may bumibili man bagama't kakaunti lamang ang bumibili sa kanya.
Dahil sa mabuting kalooban ibinahagi ng concern citizen ang kanyang litrato sa nakararami upang matulungan na ma ubos ang paninda ng matanda. Hindi lang daw na nakakaawa ang kalagayan nito, dahil sa totoo ay talagang masarap ang lugaw na binibenta ng ni lolo.
Dahil sa post ni Max, marami ang naantig ang puso at nagbigay ng kaunting tulong para kay lolo. Meron din mga tao na pumunta sa kanya upang bumili ng sa ganun ay makatulong sa kanya ang kinikita niya dito.
Kahit ano man talaga ang estado ng buhay ng isang tao, meron talagang mabuting kalooban na kayang tumulong kahit na na ito ay maliit. Ito ang magsisilbing inspirasyon sa lahat. Ano man ang unos sa buhay, merong inilaan ang Diyos upang tumulong sa mga nangagailangan.
COMMENTS