Isang Bisita Sa Kasal Nina Sarah At Matteo, Isiniwalat Ang Mala Teleseryeng Eksena Na Ginawa Ni Mommy Divine

Inilarawan ni Letty kung gaano kasaya at kapayapa ang kasal nang dalawa hanggang sa dumating ang ina ni Sarah.


Nito lamang, ipinahayag ng isa sa pinakamalapit na kaibigan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na dumalo sa civil wedding ng dalawa, kung paano napatigil ng ina ni Sarah na si Mommy Divine ang kasal ng dalawa at tinawag pa nga umano nito na 'traydor' ang celebrity couple.

Sa isang panayam kay Letty Fuentes, ang naging relationship counselor din ni Matteo at Sarah sa loob ng anim na taon na relasyon, ibinahagi niya ang pangyayari sa kasal ng celebrity couple noong Pebrero 20, 2020.

Ang civil wedding nina Sarah at Matteo ay ginanap sa Victory Fort Bonifacio noong Pebrero 20 at ito ay pinanungkulan ni Senior Pastor Paolo Punzalan.


Ani Letty,

“Akala ko mag-ka-counseling, dinner lang kami. You see, I was not dressed up. It’s always surprises. And this time it’s also a surprise not even the Guidicelli family knew about it. They only knew the day before. Para hindi na siguro mag-leak.”

“Sabi ko, ‘Kayo ha, nag-sikreto pa kayo.’ Gulat na gulat ako, but I’m happy, because everyone was so happy,” pagpapatuloy niya.


Inilarawan din ni Letty kung gaano kasaya at kapayapa ang kasal nang dalawa hanggang sa dumating ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo sa receptio ng kasal.

Sa naging panayam rin kay Letty ng ABS-CBN, ipinakita niya pa ang ilang mga galos na kaniyang natamo dahil pinipigilan niya umano ang gulo na nangyayari sa pagitan ni Sarah at ng ina nito.


“Ito ‘yung nahulog ako, kasama si Sarah. She was pushed, kasi [pinipigilan] niya ‘yung mama niya, e. Naghahabulan. I was holding onto her. Pag-push sa kaniya, ang layo. Gulong. Natumba siya. For a while, matagal siya… Kasi nanginginig.”

Dagdag niya,

“I know gusto niyang sampalin si Matteo, e. She was ready for a fight. Sabi ng mama niya, ‘Traydor kayo!’ Sigaw-sigaw, ang lakas talaga. Meron pa yatang nagmura or something.”


Nilinaw rin ni Letty ang sinabi ng bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara na inaakusahan si Matteo na sinuntok umano siya.

Isang araw naman matapos ang kasal, nagpunta si Tamara sa pulis upang magsampa ng report tungkol sa ginawa ni Matteo na panununtok sa kaniya at ibinahagi rin niya ang kaniyang salaysay para sa nangyari noong kasal nila Matteo at Sarah sa isang radio program.


Saad ni Letty patungkol kay Jerry,

“Walang brawling doon, wala ring baril. Kasi nabasa ko may baril pa raw. Kasi to the last moment, ‘yung malaking lalaki doon, sinasabihan ko siya na, ‘Huwag mo na ilapit kasi magkakagulo ‘yan.”

Ayon naman sa pahayag ni Vic del Rosario, ang co-manager ni Sarah sa ilalim ng Viva, wala na rin daw nagawa noon ang Popster Princess at naiyak na lamang ito sa gulat dahil sa pangyayaring hindi inaasahan sa kaniyang kasal.

Saad naman ni Letty, ang mga magulang talaga ni Sarah ay sobrang protective sa singer, hindi nga rin ng mga ito gusto ang relasyon ng kanilang anak kay Matteo. Ngunit, sinabi rin ni Letty, sa loob ng anim na taon na relasyon ng dalawa, hiling lamang ng celebrity couple ay kapayapaan at pagtanggap sa kanilang relasyon.


May mga pagkakataon din na nilalapitan ni Divine si Letty upang sabihan umano si Sarah na tigilan na ang relasyon kay Matteo.

“Hindi raw niya tatanggapin. She was trying to sway me to advise her to stay off from him. I said, ‘I cannot do that. I will only say things, then decision will still be theirs.’”

Inamin din ni Letty, ilang beses na ring nagplano sina Sarah at Matteo na magpakasal na ngunit, ito ay hindi natutuloy dahil patuloy sa pagtanggi ang mga magulang ni Sarah dito.

“For so many years, they wanted [to marry], kaso hindi nga puwede kasi hindi nga tatanggapin. But Matteo really pursued, may cut-off, tapos they will be back again. They were almost both in tears most of the time.”

Sinabi ni Letty na nalilito daw noon si Sarah sa pagitan ng kaniyang mga magulang at ni Matteo.



May mga pagkakataon pa nga na dumadating sa punto na mag co-cool off ang celebrity couple dahil sa mga problema at hirap na dumadaan sa kanilang relasyon, ngunit, kahit ganoon, hindi raw nabago noon ang pagmamahal na mayroon ang dalawa para sa isa't isa.

Hindi na rin nagulat si Letty na makitang umiiyak si Matteo nang ito ay ikasal kay Sarah.

“Matteo really loves her so much. With all those things, he is a man with commitment. Nakaplano. Wala ka nang hahanapin.”

Sinabi ni Letty na sobrang saya rin daw ni Sarah noong mga oras na iyon bago pa man dumating si Divine sa okasyon. 

“Parang nakawala. I have never seen her so confident that day. Iyong finale lang ang masakit.”


Ngunit, nanatili namang positibo sina Sarah at Matteo at sila ay nagsimula na rin sa kanilang pagiging buhay mag-asawa kahit pa man nagkaroon ng isang malungkot na pangyayari sa sana'y masayang okasyon para sa celebrity couple.

Nagbigay rin ng payo si Letty kay Sarah at sinabi nito,

“All these things, I was telling her, ‘Forget it, forgive your mom. This is just a revelation. In time, just pray more. Many people are praying for you.’”

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,225,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,356,Tips,60,Trending,376,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Bisita Sa Kasal Nina Sarah At Matteo, Isiniwalat Ang Mala Teleseryeng Eksena Na Ginawa Ni Mommy Divine
Isang Bisita Sa Kasal Nina Sarah At Matteo, Isiniwalat Ang Mala Teleseryeng Eksena Na Ginawa Ni Mommy Divine
Inilarawan ni Letty kung gaano kasaya at kapayapa ang kasal nang dalawa hanggang sa dumating ang ina ni Sarah.
https://1.bp.blogspot.com/-NcHZ0RIW0Ek/XlYTVs3XdcI/AAAAAAACCzk/ZsQoR15sMlwdT3QXDStsc6LVmYPD8OLAACLcBGAsYHQ/s640/council%2Bletty.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-NcHZ0RIW0Ek/XlYTVs3XdcI/AAAAAAACCzk/ZsQoR15sMlwdT3QXDStsc6LVmYPD8OLAACLcBGAsYHQ/s72-c/council%2Bletty.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/02/isang-bisita-sa-kasal-nina-sarah-at.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/02/isang-bisita-sa-kasal-nina-sarah-at.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy