Iniwang Tisyu Ng Isang Customer, Nagpaiyak Sa Jollibee Crew Na Nakapulot Nito

Noong nakaraang buwan, naantig ang puso ng mga Jollibee crew sa Taguig City maging ang mga netizens dahil sa mensahe na ibinigay ng isang babaeng customer.


Ang Jollibee ay isa sa mga sikat at kilalang fastfood restaurant dito sa ating bansa. Ito na rin ang naging kasama natin hanggang sa tayo ay lumaki. Bukod pa dito, talagang ang mga pagkain nila ay masasarap kaya naman palagi itong pinipilahan, mapabata man o matanda.

Aminin man natin o hindi, kahit tayo ay masaya, may ice-celebrate sa buhay, malungkot, may problema, o di naman may pinagdadaanan sa buhay, isa na ang Jollibee sa mga nakasanayan nating puntahan.

Ngunit, taliwas sa tagline ng Jollibee na 'Bida ang Saya' tila isang nakakalungkot na mensahe ang natanggap ng mga staff ng isang Jollibee branch sa bansa dahil na rin sa pamamaalam na mensahe na galing sa isang customer.


Noong nakaraang buwan, naantig ang puso ng mga Jollibee crew sa Taguig City maging ang mga netizens dahil sa mensahe na ibinigay ng isang babaeng customer.

Ito naman ay ibinahagi ng isang staff ng Jollibee na si Mark Noguera sa kaniyang socmed account.

Pagbabahagi ni Mark, isang babaeng nasa edad na 20 ang umupo sa isang bakanteng table bandang 3 ng hapon sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig.


Nang matapos na daw ito sa pagkain, pinuntahan naman ng isang crew ang table nito at ito ay nilinis. Habang ito ay nililinis ng crew, mayroong isang tissue sa table ang nakapukaw ng atensyon niya dahil tila mayroong mensahe dito na iniwan talaga ng babae para sa Jollibee.

Basahin ang mensahe ng babae:

"Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C--R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito. Thank you Jollibee sa uulitin :)"


Matapos namang mabasa ang mensahe ng babae, tila mayroong kumurot sa puso ni Mark at sa kapwa niya mga crew at sila ay nalungkot dahil sa mensaheng iniwan ng hindi pa nakikilalang babae.

Saad naman ni Mark sa caption ng kaniyang post:

"To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible."

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,225,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,356,Tips,60,Trending,376,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Iniwang Tisyu Ng Isang Customer, Nagpaiyak Sa Jollibee Crew Na Nakapulot Nito
Iniwang Tisyu Ng Isang Customer, Nagpaiyak Sa Jollibee Crew Na Nakapulot Nito
Noong nakaraang buwan, naantig ang puso ng mga Jollibee crew sa Taguig City maging ang mga netizens dahil sa mensahe na ibinigay ng isang babaeng customer.
https://1.bp.blogspot.com/-Fz6YjWjTU-U/Xk-8QidTv2I/AAAAAAACCAI/agM_a3_7g0sc_uTZW32GvgZIjvLMmmsBgCLcBGAsYHQ/s640/jolli%2Btissue.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Fz6YjWjTU-U/Xk-8QidTv2I/AAAAAAACCAI/agM_a3_7g0sc_uTZW32GvgZIjvLMmmsBgCLcBGAsYHQ/s72-c/jolli%2Btissue.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/02/iniwang-tisyu-customer-jollibee.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/02/iniwang-tisyu-customer-jollibee.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy