Kinumpirma na ng Research Institute of Tropical Medicine o RITM na ang mga environmental samples na nanggaling sa Butuan River ng Mandaue City sa Cebu province ay positibo nga sa Poli0 v1rus ayon sa Department of Health.
Kinumpirma na ng Research Institute of Tropical Medicine o RITM na ang mga environmental samples na nanggaling sa Butuan River ng Mandaue City sa Cebu province ay positibo nga sa Poli0 v1rus ayon sa Department of Health.
Sa pahayag ng Department of Health nito lamang nakaraang Sabado, February 15, 2020, sila ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa World Health Organization para sa tamang vaccination na isasagawa muli sa Pilipinas.
Tumulong din ang DOH sa iba pang mga siyudad gaya ng Mandaue at Cabanatuan upang mapaigting pa ang Acute Flaccid Paralysis surveillance capacities nila.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na napakahalaga na agarang ma-detect at masugpo ang v1rus na may malaking epekto sa mga bata at sa komunidad.
Idinagdag pa niya na ipinakikita ng mga ebidensya na patuloy pa din ang pagkalat ng nakamamatay na v1rus na ito at tunguhin ng DOH na ma-diagnose agad ang mga nagpapakita ng sintomas nito nang sa gayln ay agarang masolusyunan ang lahat ng apektado nito.
Kinumpirma na rin ng DOH ang isang bagong kaso ng Poli0 v1rus naman sa Cabanatuan City, Nueva Ecija Kung saan isang taong gulang na batang lalaki ang naapaketuhan nito. Ito na ang ika-17 kaso ng Poli0 sa Pilipinas.
Ang kampanya ng DOH na Sabayang Patak Kontra Poli0 (SPKP) ay nagpapatuloy naman sa buong National Capital Region (NCR) at sa buong lalawigan ng Mindanao.
Isasagawa ang SPKP sa NCR mula Pebrero 24 - Marso 8 at Pebrero 17 - Marso 1 naman sa Mindanao.
Matatandaan na inalis na ang Poli0 Outbreak sa Pilipinas yamang 19-taon na ang nakalipas mula ng mabalita ang huling kaso ng Poli0 v1rus. Gayunpaman, nito lang Setyembre 14, 2019 muling napaulat ang pag-usbong ng bagong kaso ng Poli0 v1rus nang mag-positibo sa rito ang isang tatlong-taong gulang na babae.
Patuloy pa ding nadaragdan ang kaso nito kaya naman malawakan ang kampanya ng DOH upang masawata ang sakit na ito.
COMMENTS