Nakasakay niya ang isang estudyante sa jeep na may dala-dalang mga basahan.
Halos lahat ng estudyante ngayon ay kapos dahil sa pagbabayad ng matrikula sa paaralan. Ilan sa mga estudyante ay hindi kinakaya ang gastusin kaya naman humahanap ng paraan upang matustusan ito.
Ngunit mayroong estudyante naman na gumagawa ng paraan para magka pera at makabayad sa lahat ng gastusin para magkapag tapos sa pag aaral.
Gaya na lamang na ibinahagi ng netizen na si Jade De Luna. Nakasakay niya ang isang estudyante sa jeep na may dala-dalang mga basahan.
Naantig ang kanyang damdamin ng sabihin ng estudyante na kung pwd ba na basahan nalang ang kanyang ipamamasahe.
Ayon sa netizen sa kanyang post, “Share ko lang po yung karanasan ko kanina. So, kanina late na po ako and traffic pa at nung nasa bandang La Forteza na po kami, biglang may isang estudyanteng babae na may dala-dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensyon.”
Narining ni Jade ang kanilang pag uusap at nag tanong ang estudyante sa driver na magkano ba daw ang pamasahe at sagot ng driver na 'otso pesos' ngunit sabi ng estudyante na pwd lang ba na basahan nalang ang kanyang ipambayad.
Maraming pasahero naman ang kumausap sa kanya at bumili ng kanyang basahan.
Gayun pa man, may isang pasahero pa ang kumausap sa estudyante kung saan ito nag-aaral at napag-alaman na sa Tala High School bandang Caloocan ito nag-aaral at ang kanyang mga magulang ay nagtitinda rin ng mga basahan.
Maraming netizens ang naiiyak at naging inspirasyon ang batang ito dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon makapag-aral at ang kagandahan pa roon ay sobrang galang ng bata na ito kaya ang mga pasahero ay naantig ang kanilang mga puso pati na rin ang mga netizens.
COMMENTS