Inimbitahan kamakailan lamang ng American Tv program na The Ellen DeGeneres Show ang estudyante na si Carl Malone Montecido.
Inimbitahan kamakailan lamang ng American Tv program na The Ellen DeGeneres Show ang estudyante na si Carl Malone Montecido na nagtrending sa socmed kamakailan lamang dahil sa kaniyang nakakamanghang galing sa pagkanta 'Too Good at Goobyes' ni Sam Smith sa isang mall sa Bacolod City.
Sa ngayon, ang video ni Carl na in-upload ng isang netizen sa socmed ay mayroon ng mahigit na 13 million views, 386,000 shares, at 43,000 comments.
Maging ang singer na si Sam Smith ay namangha sa galing ni Carl sa pagkanta at sinabi niya sa kaniyang Twitter account,
"Who is this kid!!!!? You are out of this universe whoever you are."
Maging si Kelly Clarkson ay napansin at humanga rin kay Carl.
Samantala, naging isang kalahok si Carl sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime noong 2016 ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa grand finals.
Ngunit, sa kabila ng mga atensyon at paghanga na nakukuha niya mula sa mga netizens online. Sinabi ni Carl sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News na hindi naging hadlang ang kaniyang pagiging bulag para makamit ang kaniyang pangarap at ipakita sa buong mundo ang kaya niyang gawin at talento kahit pa man siya ay may kapansanan.
Bagkus ginamit niya ito upang magbigay ng inspirasyon sa ibang tao na hindi dapat maging hadlang ang lahat ng kanilang mga pinagdadaanan na hirap sa buhay upang hindi na nila makamit ang kanilang mga pangarap.
Aniya,
“Look at me, look at the other person, na hindi nakakalakad, hindi nakakapagsalita, pero nagsusumikap na makamit ang pangarap.”
Maraming netizens ang humanga kay Carl, hindi lamang sa galing niya sa pagkanta, ngunit dahil na rin sa katatagan ng loob at pagiging positibo niya sa buhay na kahit bulag ay kaya niya pa rin tupadin ang kaniyang mga pangarap.
Sa kabilang banda, ang TNT kids at si Marcelito Pomoy ay ilan lamang sa mga sikat na personalidad sa Pilipinas ang naimbitahan at nagpakita ng kanilang talento sa sikat na talk show sa Amerika.
COMMENTS