Maniniwala ba kayo na ang dalawang batang ito ay pinagkita ng tadhana at ngayon ay isa ng ganap na mag-asawa.
Naniniwala ka ba sa destiny? Iyon ang tawag sa dalawang taong di sinasadyang pinagtatagpo at nauuwi sa tunay na pag-iibigan. Kung ikaw ay di naniniwala sa Destiny ay mainam na basahin ang istoryang ito.
Makikita sa larawan ang dalawang bata na kung saan ay hinalikan ng batang lalaki ang batang babae sa kalsada.
Maniniwala ba kayo na ang dalawang batang ito ay pinagkita ng tadhana at ngayon ay isa ng ganap na mag-asawa. Oo, tatlumpung taon ang lumipas ay pinagtagpo ulit sila, lubos na kinilala ang isa't-isa at nauwi sa mas malalim na level ng pag-ibig, ang pagpapakasal.
Shineyr ni Barbie Atienza ang naging love story nilang dalawa nang sila ay ikinasal sa kanyang socmed account na kung saan ay agad agad naman itong nagtrending dahil sa napakacute nilang love story.
Narito ang caption ni Barbie sa kanyang post,
"30 years ago this boy casually walked up to this little girl somewhere in Baguio, and kissed her on the forehead and then ran away. They never met again until a couple of years ago. They had absolutely now way of knowing that 3 decades after they would wind up as husband and wife. Amazing. Coincidence? Fate? Destiny? That’s the magic of love!"
Sobrang sweet at nakakatouch ng istoryang ito. Destiny o hindi man yan ay kapag tinamaan ka talaga, tatamaan ka talaga!
Sa ngayon ay madami ng nagshare ng post ni Barbie at hanggang ngayon ay umaani pa din ito ng heart reacts at positibong komento.
Ang sarap talaga mainlove diba? Di mo alam na siya na talaga ang inilaan sayo ng Poong Maykapal upang maging katuwang mo sa buhay.
Hindi mo maiiwasan yan dahil sabi nga ni Barbie, that’s the magic of love. Kailangan mo lang sabayan at paniwalaan ang lahat ng nangyayari sa iyo ay may kaakibat na dahilan.
COMMENTS