Kumakalat naman ngayon ang video ng isang Pilipina habang kausap niya sa isang video call ang isang foreigner na taga-United States.
Dahil laganap na ang paggamit ng socmed sa buong daigdig, maraming tao na ang nagkakaroon ng tinatawag na "connections" sa mga tao mula sa ibang mga lahi at bansa. At dahil sa pagsulong ng teknolohiya, madali na lang para sa mga tao ang makausap ang mga taga-ibang bansa.
Uso na din ang chatting at video calls sa mga kaibigan natin na iba ang lahi. Nagkakaroon tayo ng pagkakataon na makausap at mas makilala pa silang mabuti sa pamamagitan nito at marami rin ang nakakahanap ng kanilang "forever" sa pamamagitan nito kaya naman patok ito sa karamihan.
Kumakalat naman ngayon ang video ng isang Pilipina habang kausap niya sa isang video call ang isang foreigner na taga-United States. At dahil amerikano ang kausap niya, napalaban naman sa english-an si Ate Girl.
Ibinahagi ni Amor Carias sa kaniyang socmed account ang video clip nila ng kausap niyang foreigner. Marami sa mga nakapanood nito ang naaliw sa usapan nila ng friend niyang amerikano.
Ang video clip na ito ni Amor Carias ay umaabot na sa 846,000 views at 9,700 reactions, 4,900 comments, at 17,000 shares mula sa mga netizens at nadaragdagan pa.
Iba iba naman ang reaksyon ng mga netizen matapos mapanood ng video clip na ito. Ayon sa iba, parang sinadya na lang ni Amor na maliin ang English niya para pag-usapan siya ng mga tao. Sabi ng iba, ginawa niya ito para sa maraming shares at views na pagkakakitaan niya.
Ang ilan naman ay natuwa sa video call na ito at nag-tag pa ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak na gumagawa rin nito.
May ilan naman na sumusuporta pa rin kay Ate Girl na kahit sinasadya niyang magsalita ng maling english, marami naman ang nagu-good vibes sa ginagawa niya.
COMMENTS