Sinasabing nagpropose noong isang taon si James kay Thalia at ngayon ay magkakababy na sila.
Si Bayani Agbayani ay isang kilalang komedyante sa mundo ng showbiz at talaga namang pumapatok ang bawat jokes na binabato niya sa kanyang mga shows.
Ngunit, alam niyo ba na magiging lolo na siya?
Si Thalia na isa sa mga anak ni Bayani ay nagdadalang tao na kung saan ang ama nito ay ang kapatid ng artistang si Bea Alonzo na si James.
Hindi din naman maitago ang excitement ng magiging lolo na si Bayani Agbayani. Makikita sa mga larawan ang kasiyahan na magkabilang pamilya.
Kahit wala si Bea ay isang espesyal naman ang naging regalo nito sa mag-asawa at iyon ang naganap na Baby Shower kamakailan lang.
Kulay blue ang naging motif dahil inaasahan nila na isang baby boy ang magiging anak nila Thalia at James. Ang mga larawang ito ay nakapost sa IG ng aktres na si Bea, at narito ang naging caption.
“So, yesterday was a special day for our family. I threw a baby shower for my sister, Thalia. It was a beautiful celebration. Our family, friends and loved ones just all wanted to shower this future mama with all the love that she deserves!
Congratulations James and Thalia! Your journey as parents will soon begin, and I know you two will do a very good job raising my nephew. “
Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa naganap na simple at cute na baby shower. Ang pagsilang ng bago nilang anghel ay talaga namang di na mapipigilan pa at buong pamilya nila ay talaga namang full forced at todo ang support sa magiging bagong miyembro ng pamilya
To James, Thalia Alonzo and Agbayani Family, CONGRATULATIONS!
COMMENTS