Isang netizen din ang nagtanong kay Dra. Marquez na isa ba ang stress sa mga dahilan kung bakit lumalabas ang balakubak sa anit.
Kamakailan lamang, inihayag ng isang dermatologist na si Dra. Jean Marquez sa programa ng 'Pinoy MD' sa GMA 7 ang dahilan kung bakit bumabalik balik ang pigsa sa balat ng tao.
Saad ni Dra. Marquez, maaaring nagdevelop na ng antibiotic resistance ang isang pigsa kahit pa man ito ay gumaling at nagamot na noon.
Dagdag pa niya, maaari ding sanhi ng pagbalik ng pigsa ay ang pagkakaroon ng mababang immune system ng isang tao.
Ang pagkakaroon din daw ng pigsa ay maaring kaakibat rin daw ng isang medical condition o skin problem katulad ng diabetes at allergies. Puwede rin daw maging sanhi ang pagtama madalas ng ilang bahagi ng ating katawan sa mga bagay bagay, ani Dra. Marquez.
Pinaalalahanan naman ni Dra. Marquez ang publiko na dapat silang magpatingin sa dermatologist upang masuri at maisa-isa ang sanhi at dahilan ng pabalik balik na pigsa kung sakali man na nararanasan nila ito.
Isang netizen din ang nagtanong kay Dra. Marquez na isa ba ang stress sa mga dahilan kung bakit lumalabas ang balakubak sa anit.
Sagot naman ni Dra. Marquez, totoo na isa ang stress sa nagdudulot ng balakubak sa anit ng isang tao dahil sinasabi rin ng ilan na sa ating mga anit ay mayroong tinatawag na Malasezzia furfur na normal na sa ating anit.
Ngunit, kapag ang resistensya ng ating katawan ay patuloy na bumabagsak, ang malasezzia furfur o yeast sa ating anit ay gumagawa ng maraming scales kaya naman ito ay nagiging sanhi ng pagdami ng balakubak.
Tinanong din si Dra. Marquez ng isang netizen kung mayroon bang gamot o nagagamot ba ang sakit na psoriasis.
Sagot naman ng doktora na mayroong ilang paraan na magagawa para maiwasan ang pagkakaroon ng psoriasis katulad ng pagkakaroon ng healthy diet, healthy lifestyle, at pagee-ehersisyo ng isang tao dahil na rin nga ang psoriasis ay kaakibat ng sakit na obesity, hypertension, at diabetes.
Maaari din silang gumamit ng mga pamahid at mga theraphy na maaaring makatulong para maiwasan o magamot ang psoriasis. Payo niya na mas mainam na magpunta sa dermatologist upang magpatingin.
Natanong din kay Dra. Marquez kung ano ano ang mga pagkain na maaaring makatulong upang magkaroon ng glowing at healthy skin. Saad naman ng doktora na dapat ay kumain lamang tayo ng mga pagkain na mayaman sa antioxidants katulad ng green tea, green leafy, gulay, prutas, salmon, avocado, coconut oil, at mani.
COMMENTS