Sa post ni Luren C. Padinas sa kaniyang socmed account, sinabi niya na namangha siya ng makita niya ang street vendor na ito.
Kung tatanungin ang karamihan ng mga tao sa ngayon, marami sa kanila ang hindi pa nakapagbasa ng Bibliya sa tanang buhay nila o kaya naman ay wala sila nito. May mga tao din naman na bagaman may sariling kopya ng Bibliya, hindi nila ito magawang basahin dahil na rin sa dami ng kanilang pinagkaka-abalahan.
Gayunpaman, may mga tao na patuloy na nagbabasa nito at nagpapahalaga sa mga espituwal na kayamanan na maipagkakaloob nito.
Kumakalat ngayon sa socmed ang larawan ng isang tindero na nagbabasa ng Bibliya kapag walang namimili sa kaniyang mga paninda.
Sa post ni Luren C. Padinas sa kaniyang socmed account, sinabi niya na namangha siya ng makita niya ang street vendor na wiling-wili sa pagbabasa ng Bibliya habang nagtitinda ng mga candy sa isang kanto. Kapag walang namimilili, sinasamantala ng street vendor na ito basahin ang Bible kahit paunti-unti talata lamang.
Na-inspire naman nito si Luren na tularan din ang street vendor.
Bukod pa kay Luren, marami din sa mga netizens natin ang namangha sa ginawa ng street at na-inspire din sila nito na tangkilikin din ang Bibliya.
Sa unang tingin, mukhang mahirap ang kalagayan sa buhay ng tindero sa larawan. Kendi lamang ang tanging paninda nito. Ngunit hindi ito ang sukatan ng pagiging mayaman ng isa.
Tandaan din natin na ang tunay na kayamanan ay ang pagkakaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos at Hindi ang pagkakaroon ng materyal na kayamanan na nasisira sa pagdaan ng panahon.
Ang larawang ito ng tindero na nagbabasa ng Bibliya sa kaniyang bakanteng panahon ay maudyok din nawa sa atin na basahin din naman ang Bibliya at unawain ang katotohanan na nakasulat doon.
Ang Bibliya ay tunay na salita galing sa Diyos na inilaan niya upang turuan tayong mga tao na lumakad sa tamang landas at kapaki-pakinabang sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
COMMENTS