yon sa Facebook post, nais ng tatay na sorpresahin ang kaniyang misis kaya naman naisip niyang ibili ito ng milktea dahil na rin hindi pa rin ito nakakatikim ng naturang inumin.
Tiyak na karamihan sa atin ay gustong gusto na sinusurpresa tayo ng ating mga mahal sa buhay. Kahit man ito ay sa simpleng paraan o mga simpleng bagay lamang, tiyak na malakas na ang epekto at maghahatid na ito ng saya sa atin.
Katulad na lamang ng ginawa ng tatay na ito sa kaniyang misis.
Katulad na lamang ng ginawa ng tatay na ito sa kaniyang misis.
Kamakailan lamang ay umagaw sa pansin ng karamihan ang post ng isang socmed page na Citea Milktea matapos nitong ibahagi ang nakakatuwang tagpo ng kanilang crew at isang matandang lalake sa naturang shop.
Ayon sa post, nais ni tatay na sorpresahin ang kaniyang misis kaya naman naisip niyang ibili ito ng milktea dahil na rin hindi pa daw ito nakakatikim ng naturang inumin. Sinabi din ng tatay na kaniya munang iniwan ang kaniyang misis sa tricycle at sinabing mayroon lamang itong kakausapin nang sa gayon ay hindi nito malaman na ibibili niya ito ng milktea bilang surpresa na rin sa kaniyang misis.
Sa simpleng paraan na ginawa ni tatay para sa kaniyang misis, sigurado na hatid nito ang saya at tuwa sa mga mata at mukha ng kaniyang misis.
Marami naman sa mga netizens ang humanga at natuwa sa surpresa na ginawa ni tatay sa kaniyang misis dahil kahit ito ay matanda na, hindi pa rin nito nakakalimutan na surpresahin ang kaniyang misis kahit sa simpleng bagay lamang. Ilan pa sa ating mga netizens ang nagsasabi ng 'sana all' sa ginawa ni tatay para sa kaniyang misis.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"God Bless you. In a single moment you gave them such smile that can never be bought."
"Little surprises that matters most "
"Sana all hanggang pagtanda sweet padin "
Ang post naman ay kasalukuyan ng mayroong mahigit na 43,000 reactions, 1,500 comments, at 15,000 shares.
COMMENTS