Kinakain ito ng hilaw kasama ng kamatis at manga bilang side dish sa pinrito o inihaw na isda.
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba't-ibang uri ng yamang-dagat, kabilang na riyan ang mga seaweeds. Dahil sagana rito, ang mga halamang-dagat na ito ay bahagi na ng maraming pagkaing Pilipino.
Isa na rito ang tinatawag na "Pupuklo", isang halamang dagat na karaniwan ng bahagi ng masustansiyang pagkain ng mga Pilipino.
Ang Pupuklo ay may mabibilog at pahabang malalambot na mga sanga. Kinakain ito ng hilaw kasama ng kamatis at manga bilang side dish sa pinrito o inihaw na isda.
Puwede din itong ihalo sa salad kung saan malalasahan ang alat ng tubig dagat. Mayamang pinagkukunan din ito ng mga bitamina, nutrients, dietary fibers, minerals at amino acids. Madalas na makikita ito sa Ilocos Norte, Cagayan Provine, Aklan at Iloilo.
Nito lamang nakaraan, isang grupo ng mga researchers ng University of Sto. Tomas ang nakatuklas ng polysaccharides mula sa mga Pupuklo na maaaring gamiting panlaban sa kanser at sa pagkalat pa nito.
Batay naman sa Department of Science and Technology, ang Pupuklo ay magandang panlaban sa mapaminsalang mga enzymes na nagpapakalat o nagpapalala ng kanser.
Bukod pa sa kakayahan nito na labanan at mapigilan ang pagkalat ng kanser, nakita rin sa pag-aaral na may magandang epekto rin ito sa balat.
Sa pag-aaral, gumamit sila ng mga laboratory rats na na-expose sa ultraviolet radiation. Sa tulong ng Pupuklo, naibalik sa ayos ang balat ng mga ito at mas napabilis ang proseso ng pagpapagaling.
Kaya naman batay sa pag-aaral ding ito, ang Pupuklo extract ay maaaring pagkuhanan ng mga anti-aging compounds na potensiyal na gamitin sa cosmeceutical formulation, mga cosmetic products na may bio-active compounds at isang medisinal na tulong.
Patuloy namang pinasisigla ni Dr. Rowena Cristina L. Guevarra, DOH Undersecretary for Research and Development na patuloy na magresearch ang grupong ito na makakatulong sa lipunan. Ang pag-aaral na ito inilahad sa Symposium na "The Values of Philippine Flora and Fauna" na pinangunahan ng DOST.
COMMENTS