Nito lamang nakaraang Linggo ay nainterview siya sa KMJS at inilahad ang mga mangyayari pang trahedya ngayong taon.
January 26, 2020 - isa sa mga pinakamalungkot na araw para sa mga fans ni Kobe Bryant.
Si Kobe Bryant ay namatay kasama ang kanyang anak na si Gianna Bryant na 13 na taong gulang dahil sa hindi inaasahang helicopter crash.
Si Kobe ay isa lang naman sa isa sa mga pinaka-iniidolong Basketball Player sa NBA. Buong mundo ang nakiramay at nagluksa sa pagkawala ng isa sa pinakamagaling na atleta sa larangan ng basketball.
Sa kabilang banda ay madami din sa ating Pinoy ang nakakakilala kay Rudy Baldwin na isang Pinoy Psychic at nakakahula ng mga trahedya na nangyayari sa buong mundo.
Nito lamang nakaraang Linggo ay nainterview siya sa KMJS at inilahad ang mga mangyayari pang trahedya ngayong taon. Nakakamangha mang isipin ay diumano ay nahulaan niya din ang pagkamatay ni Kobe Bryant.
Base sa pinost niya noong January 3, 2020 (5:02pm), bukod sa mga natural na trahedya na mangyayari sa iba’t-ibang bansa ay isa dito ang naging insidente na nangyari kay Kobe.
Narito ang pinakahighlights sa ipinost ni Rudy.
"Me celebrity din ako nakikita dalawa ito. Isa sa bansa natin sa Pilipinas, ang isa naman ay taga ibang bansa. Masawi sila dahil sa aksidenteng sinakyan nila na pang himpapawid. Magkahiwalay ito na panyayari at magkaibang bansa."
Hindi man niya nasasambit ang mga pangalan ay nariyan ang pinaka ideya ng nangyari. Ang buhay talaga ng isang tao ay napakaikli lamang. Hindi natin masasabi kung ngayon, bukas o sa makalawa ay iiwanan na natin ang mundong ito at mga mahal natin sa buhay.
COMMENTS