Kamakailan lamang ay ibinahagi ng netizen na si Lacey Ann Bruce sa kaniyang socmed account ang ilang screenshot ng conversation ng isang netizen at ni Mam Mai Jadeleza.
Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 4 pa rin ang status level ng bulkang taal. Ngunit, dahil sa pananahimik nito ngayon, ito ay nagdadala ng pangamba at takot sa mga residente malapit sa naturang taal dahil ito ay maaaring magkaroon ng malakas na pagsabog na maaaring maging sanhi ng mas malaking pagkasira ng ilang bahagi na malapit sa Taal.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng netizen na si Lacey Ann Bruce sa kaniyang socmed account ang ilang screenshot ng conversation ng isang netizen at ni Mam Mai Jadeleza.
Sinabi niya sa kaniyang post na si Mam Mai Jardeleza na mula pa sa London ay madalas nagla-live sa social media account nito at ipinapaliwanag kung ano na nga ba ang kasalukuyang kalagayan ng Bulkang Taal.
Sa kabilang banda, makikita sa mga screenshot na sinabi ni Mam Mai na ang bayan katulad ng Agoncillo, Lemery, at San Nicolas sa Batangas ay ang siyang pinakamaapektuhan ng pagsabog ng Taal dahil sa mga nabanggit na bayan diumano nakapatong ang caldera. Sinabi din nito na malaki ang magma chamber na mayroon sa ilalim ng Pansipit Rivier.
Sinabi din ni Mam Mai na sa ngayon ay hindi pa niya masasagot kung kailan sasabog ang Taal.
Nangangamba at natatakot na din sya para sa kalagayan ng mga tao na malapit sa bulkan dahil maaaring tumataas pa lalo ang pressure na pandagdag sa mas maraming magma dahil sa patuloy na pag antala ng pagsabog nito.
Saad naman ni Lady Ann na kung totoo man ang sinasabing ito ni Mam Mai, ito ay maaaring makapagbigay sa atin mas marami pang kaalaman at para din mas maging aware tayo sa pangyayaring ito.
Ngunit, kung totoo man o hindi ang sinasabi nito sa mga posibleng mangyari sa mga naturang bayan, nararapat pa rin tayong mag-ingat at magdasal sa Panginoon para sa ating kaligtasan.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng reporter na si Even Demata ang pinsalang maidudulot ng tinatawag "pyroclastic density currents o pyroclastic cloud" at gaano ito kadelikado kapag nanatili ang mga tao sa 14 km Permanent Dnager Zone.
Ayon kay Demata, ang pyroclastic density currents ay napakainit na usok, bato at abo na maaaring umabot ng 1,000 °C o kainit ng nagbabagang tanso. Ibig sabihin, lahat ng may buhay, mapa tao man o hayop, kapag nadaanan ng usok na ito ay magiging carbonized fossils o parang isang semento.
COMMENTS