Isang grupo ng mga siyentipiko ang nakatuklas pa ng isang caldera sa ating bansa.
Nabahala ka ba sa pagsabog ng Bulkang Taal? Kabilang ka ba sa mga naapektuhan nito o kilala mo ang ilan sa mga matinding napinsala ng natural na penomenong ito? Baka mas mabahala ka matapos mong basahin ang artikulong ito.
Napakatindi ng takot na ipinadama ng pagsabog ng Bulkang Taal sa bayan ng Batangas pati na sa mga karatig na bayan nito na naganap nito lang January 12. Madaming tao ang talagang napinsala ng pagsabog nito pati na ang kanilang mga kabuhayan, gamit at ang kaawa-awang mga alagang hayop.
Sa tindi ng pinsalang ipinadama nito, walang magawa ang mga tao, mayaman man o mahirap, kundi ang tumingin na lang sa kanilang mga natabunan ng abong mga pag-aari. At ang nakakatakot pa nito, hindi lang iisang bulkan ang mayroon sa Pilipinas kundi napakarami pa.
Isang grupo ng mga siyentipiko ang nakatuklas pa ng isang caldera sa ating bansa.
Sina Jenny Anne Barretto, isang Filipina Marine Geophysicist, Ray Wood at John Milson, na naka-base sa New Zealand ay gumagawa ngayon ng isang report tungkol sa physical feature ng Benham Rise.
Doon, nadiskubre nila ang Apolaki Caldera, ang sinasabing pinakalamalaking caldera na makikita sa buong mundo. Sinasabi na may lawak itong halos 150 kilometro.
Para kang nag-drive mula Quezon City hanggang Tarlac City nang balikan. Ganoon kalawak ang bibig nito. Gayunpaman, ang mga detalyeng ito ay nananatili pa ring misteryo at marami pang mga detalye ang hindi natin lubos na nalalaman at naiintindihan.
Batay naman sa mga reports ng University of the Philippines Marine Science Institute Geological Oceanography Laboratory, ang lawak ng Apolaki Caldera ay maihahalintulad sa lawak ng shield calderas ng Mars’ Olympus Mons na siyang pinakamalaking bulkan sa ating solar system.
Talaga namang ang ating bansa, na binubuo ng halos 7,641 mga isla ay talagang nagtataglay ng napakagagandang at kahanga-hangang mga tanawin at mga hayop mula sa lupa, dagat at hangin.
Gayunpaman, ang Pilipinas din pala ay nagtataglay ng marami pang kakaiba at kahanga-hanga o nakababahalang mga bagay na baka hindi pa natutuklasan.
COMMENTS