Alam nyo ba na ang mga hand sanitizers ay hindi nakakatulong upang luminis ang inyong mga kamay?
Mahigpit na pinapaalala lagi sa atin ng mga doktor na kailangang maghugas ng kamay bago at matapos kumain gayundin matapos mag cr at matapos humawak ng mga maruruming bagay.
Ang paghuhugas ng mga kamay ay makakatulong upang tayo ay makaiwas sa pagkakaroon ng ibat ibang uri ng sakit.
Ang mga sakit na tulad ng sipon, inf1uenza, bulutong at mening itis ay ilan lamang sa mga sakit na pwede natin makuha kapag tayo ay hindi naghuhugas ng mga kamay. At kadalasam ay Bakterya ang sanhi ng mga naturang sakit na ito.
Ang tamang paghuhugas ng kamay ay dapat na kaakibat ng malinis na tubig at sabon. Ngunit, sa panahon ngayon ay nauso na ang mga Hand Sanitizer bilang alternatibong paraan ng paghuhugas ng mga kamay.
Ang hand sanitizer ay isang uri ng likido o gel na sumailalim sa ibat ibang proseso upang ito ang maging kapalit sa manual na paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon.
Ngunit, alam nyo ba na ang mga hand sanitizers ay hindi nakakatulong upang luminis ang inyong mga kamay?
Ayon kay Jaralee Annice Metcalf, isang guro at Behavior Specialist ng Discovery Elementary School sa Idaho Falls, Idaho ay base sa mga experiment na kanilang nagawa kasama ang kanyang mga estudyante ay talaga namang masama ang paggamit ng mga hand sanitizer.
Gumamit sila ng ordinaryong tinapay at inilagay nila ito sa isang ziplock plastic. Limang tinapay ang ginamit nila bilang experiment.
Ang unang tinapay ay ipinahid nila sa kanilang mga chromebooks, pangalawa ay wala silang ginawa sa tinapay, pangatlo ay hinawakan ng 17 estudyante na kung saan ay madudumi ang mga kamay ng mga humawak sa tinapay, pang apat ay mga kamay na katatapos maghugas gamit ang tubig at sabon at panglima ay ang mga kamay na ginamitan ng hand sanitizer.
Kung inyong mapapansin ay nagkaroon ng molds ang tinapay na hinawakan ng mga kamay na gumamit ng sanitizer samantalang ang tinapay na hinawakan ng mga kamay na naghugas gamit ang tubig at sabon ay nanatiling malinis sa pagtagal ng panahon.
Nawa ay maging paalala ito sa lahat na mas mabisa pa dn ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon.
COMMENTS