Base sa salaysay ng OFW na si Neil Ryan Lorenzo, siya ay na-inspire na magipon matapos niyang makita ang post ng isang Facebook group na Pesosense.
Marami sa ating mga netizens ang na-inspire sa ginawa ng isang Overseas Filipino Worker sa Saudi matapos nitong makaipon ng Php1 Milyon nang ito ay tumigil sa paninigarilyo at paglalaro ng mga online games.
Base sa salaysay ng OFW na si Neil Ryan Lorenzo, siya ay na-inspire na magipon matapos niyang makita ang post ng isang group na Pesosense na nagbibigay ng ilang mga tips at payo kung paano mapamahalaan ang mga pera na natatanggap mo sa iyong trabaho o tinatawag din nilang Ipon Challenge.
Pagbabahagi ni Lorenzo, sinunod niya ang Ipon Challenge at para gawin ito, nagpasya syang itigil na muna ang paninigarilyo, ang kaniyang diet, at itigil din pati ang paglalaro ng mga online games.
Nagbebenta rin ng mga sariwang isda si Lorenzo, umupa siya ng isang billiard pool tablet, gumagawa din siya ng kung ano anong uri ng mga gadgets, at nagbebenta ng mga gold bars raffles sa kaniyang mga katrabaho sa murang halaga.
Lahat ng iyan ay ipinagpatuloy gawin ni Lorenzo sa loob ng tatlo at kalahating taon at kaniya lamang binukas ang kaniyang mga naipon noong November.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lorenzo na kaniyang nakaya na makapag-ipon ng nasa 75,400 Saudi Riyals o higit sa isang milyong piso.
Dahil dito, nagawa niyang maibili ng bahay ang kaniyang ina sa General Trias, Cavite at naeenjoy niya rin ang kaniyang pananatili sa Pilipinas.
Bukod pa dito, kaniya ding binibigyan ang ibang tao ng mga blessings na kaniyang natatanggap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain sa mga taong nakatira sa lansangan.
Siya din ay mayroong pa-raffle sa kaniyang FB account, kung saan ang mananalo dito ay makakatanggap ng 500 Riyals o mahigit sa 6,000 pesos.
Ang kwento naman ni Lorenzo ay nagdala ng inspirasyon sa maraming netizens. Ito ay madaling kumalat at ang kwento din niya ay natampok sa Kapuso Mo Jessica Soho.
Ani Lorenzo sa kaniyang post:
COMMENTS