Ibinahagi ng isang lalake ang kanyang naging karanasan sa pagkawala ng kanyang pera at muli itong naibalik matapos lumipas ang tatlong taon.
Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay dahil sa mahal ang mga bilihin, gasolina at iba pa ay malas mo na lang talaga kung mahuhulugan, mananakawan at mawawalan ka ng pera.
Ngunit, ibahin ninyo itong si Cesnee Vizconde Tan, isang netizen na ibinahagi ang kanyang naging karanasan sa pagkawala ng kanyang pera at muli itong naibalik matapos lumipas ang tatlong taon.
Si Cesnee ay graduate sa Ateneo De Davo University at siya daw ay madalas kumain sa isang restaurant sa Davao City.
Isa nga daw siyang suki na sa Pastil Bar-B-Q sa Ponce o mas kilala sa tawag na “Pastilan sa Ponce” na matatagpuan sa Jacinto St., Davao City.
Siya daw ay nawalan ng pera noog kalagitnaan ng buwan ng Enero at Pebrero taong 2017 at nitong December 7, 2020 ay ibinalik ito ni Rosalina Garcia na may-ari ng nasabing restaurant.
“Tagal mo nang di nakabalik dito Ma’am, no? Di ba ikaw yung nawalan ng Php3,000 noon?”
Iyan ang katagang iniwan sa kanya ng may-ari ng restaurant sabay ibinalik din ang perang Php3,000.
Laking gulat at tuwa ang naramdaman ni Cesnee nang araw na iyon at ipinost niya pa ang nangyari sa kanya sa kanyang socmed account na may caption na,
“All this time, the owner waited for me dahil nakita daw nila ang 3k na naiwala ko dati.”
Isa nanamang lesson ang natutunan natin sa istorya ni Cesnee. Integridad, katapatan at kabutihang loob ang ipinakita ni Rosalina na may-ari ng restaurant kay Cesnee.
Sana ay pagpalain ka pa at nawa ay mas madami pang kumain sa inyong kainan. Ikaw sana ay pamarisan ng ibang business owner na tulad mo dahil sa ipinakita mong katapatan sa iyong customer.
COMMENTS