Marami sa ating mga Pinoy ang nag abot ng kanilang tulong para sa mga naapektuhan ng Taal.
Ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pagtingin sa buhay ay isa na sa mga katangian nating mga Pinoy. Gaano man kahirap at kadaming problema ang ating hinaharap at maging man sa panahon ng kalamidad na dumadaan sa atin, makukuha at makukuha pa rin nating ngumiti dito.
Kamakailan lamang, isa na nga sa pagsubok na kinaharap ng ilan sa ating mga kababayan ay ang pagaalburoto ng bulkang Taal na siyang nakaapekto sa mga naninirahan sa Batangas at kalapit lugar nito.
Marami naman sa ating mga Pinoy ang nag abot ng kanilang tulong para sa mga naapektuhan ng Taal.
Isa na nga rito ang isang nanay na gumawa ng daan-daang face mask na kaniya namang ibinigay sa mga biktima ng pag-aalburoto ng Taal.
Maliban dito, ay nagbigay din ng libreng pagkain ang isang kainan para sa mga evacuees. Habang ang iba naman ay nagbigay ng mga groceries, tulong pinansiyal, mga damit, at marami pang iba.
Dahil sa kalagayan ngayon ng mga evacuees sa mga evacuation centers, hindi na rin sila naging mapamili sa mga bagay na ibinibigay sa kanila at kahit anong klaseng mga bagay o damit ito ay tinatanggap na nila ito.
At ito ay isa ngayon sa nagbibigay ng aliw at good vibes sa mga netizens sa iba't ibang socmed platforms.
Makikita ang ilang larawan ng evacuees na matapos magbigay ng aliw sa mga netizens dahil sa mga uri ng kanilang suot na damit, ano man ang kanilang kasarian ay hindi na sila namili ng mga damit na kanilang kukuhanin at maaaring isuot.
Katulad na lamang ng isang tatay na nakasuot ng school uniform na mayroong tie.
Mayroon din na isang group ng kalalakihan kung saan sila ay naging instant 'mayor' dahil sa kanilang damit na suot.
Mayroon din naman na grupo ng mga tatay na nakasuot ng white polo shirts at slacks na tila sila ay nagmukhang mga special guards ng Pangulo.
Maliban dito, mayroon ding grupo ng kalalakihan na nakasuot ng dress.
Isang nanay na nakasuot ng pang girls scout na damit.
Mayroon din na grupo ng mga kabataan na naging instant security guard dahil sa kanilang kasuotan.
COMMENTS