Gumawa sila ng mga facemask bilang tulong sa mga nasalanta sa Batangas at gawin itong panangga laban sa ashfall na ibinubuga ng bulkang Taal magpasa hanggang ngayon.
Ang Batangas City ngayon ay lubos na sinalanta dahil sa pagputok ng Bulkang Taal. Madami sa kanila ang nawalan ng bahay, ari-arian, lupain at maging ang kanilang pangkabuhayan.
Sa ngayon ay madami sa ating kababayan sa naturang lugar ang nasa iba't ibang evacuation center. Sa kabilang banda, dumagsa naman ang madaming tulong mula sa iba't ibang karatig probinsya, pribadong kumpanya, matataas na tao, gobyerno at madami pang iba.
Ngunit, ibahin ninyo ang mga babaeng preso na ito mula pa sa Gumaca Quezon. Gumawa sila ng mga facemask bilang tulong sa mga nasalanta sa Batangas at gawin itong panangga laban sa ashfall na ibinubuga ng bulkang Taal magpasa hanggang ngayon.
Sabi nila kahit wala silang makina ay mula sa puso nilang mapagmahal ang bawat manwal na tahi sa mga facemask na ginawa nila. Dagdag pa nila na maaari itong labhan at gamitin ulit.
Ang mga litratong ito ay kinunan at ipinost ni Ella Mae Merilloza at ngayon ay hinangaan ng madami sa ating netizens.
Sabi pa nga sa caption ni Ella ay,
“Kahit wala tayong makina na pantahi, na kahit sa kabila ng inyong sitwasyon hindi hadlang ang mga rehas upang makapaghatid kayo ng kaunting tulong para sa mga kapatid nating nasa Batangas na dumaranas ng ashfall. Sabi n’yo pa nga mam ang face mask na yan ay niyari na may pagmamahal…”
Pinatunayan nanaman ng mga Pinoy ang Bayanihan @ heart na itinuring na natin na isa sa mga kinagisnan nating kultura dito sa ating bansa.
Hindi mahalaga kung may brand, hindi mahalaga kung kanino pa galing ang tulong na naibigay sa mga nasalanta bagkus ang mahalaga ay nakatulong ka at ibbless pa kayo lalo ni Lord dahil sa ginintuan niyong mga puso.
COMMENTS