Ayon sa socmed post ni Anna, siya ay nauna sa Mang Inasal kung saan nila napagdesisyunan kumain ng kaniyang kasintahan.
Kamakailan lamang ay nagviral ang Facebook post ng isang netizen na si Anna Margarita Ibad Jarin matapos nitong ipakita ang ilang screenshot ng conversation niya at ng kaniyang kasintahan.
Ayon sa socmed post ni Anna, siya ay nauna sa Mang Inasal kung saan nila napagdesisyunan kumain ng kaniyang kasintahan. Makikita naman sa screenshot ni Anna na sila ay nagsimulang mag-away ng kaniyang kasintahan dahil sa hindi pagbibigay ng kalamansi ng mga crew ng fast food chain.
Dahil dito, nais ng ipa-cancel ng kaniyang kasintahan ang inorder ni Anna, ngunit ito ay hindi na niya maaaring tanggapin dahil ito ay na-order na niya at dadalhin na lamang sa kaniya.
Sinabi din ng lalaki na kumain na lamang mag-isa si Anna sa kaniyang pinagtatrabahuhan dahil hindi naman masusulit ang pagkain nila dahil lamang ito ay walang kalamansi.
Sa mga susunod naman na screenshot, makikita na ang pag-aaway ng dalawa ay humantong na sa pakikipag hiwalay ng lalaki kay Anna dahil lamang sa kalamansi na hindi naibigay sa kanila.
Marami naman sa ating mga netizens ang natuwa sa nasabing post ni Anna. Ilan naman sa kanila ay itinag ang Mang Inasal at sinabing sila ay nakasira ng relasyon dahil sa hindi pagbibigay ng kalamansi kay Anna habang ang iba naman ay ginawang katatawanan ang kalamansi at sinisisi dahil ito ay nakasira pa ng relasyon.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Haahha bwisit na kalamansi yan"
"Ng dahil sa kalamansi, may relasyon na namang nasira. Nakaka-bwisit talaga yang mga kalamansi na yan eh. Mga salot sa relasyon. Dapat sa mga yan nilalapirot. Nakakaasar na kalamansi ah! "
#manginasal dahil sa kakulangan niyo ng kalamansi makakasira pa kayo ng relasyon."
Ang post naman ni Anna ay mayroon ng nasa higit na 6,000 reaction at 12,000 shares.
COMMENTS