Nagtrending ang post ng isang crew ng Mang Inasal hingil sa mga batang inabandona ng kanilang magulang.
Sabi ni Gat Jose Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” ngunit paano kung ang pag asang iyon ay agad na mapuputol dahil sa kanilang mga iresponsableng magulang?
Talamak nanaman ang mga inaabandonang bata ng kanilang magulang. Halimbawa na lang ang nangyari kamakailan lang sa labas ng Mang Inasal Restaurant matapos magtrending ang naging post ng isang crew nito hinggil sa mga batang inabandona ng kanilang magulang.
Ang post na ito ay nanggaling kay Myleen Delos Reyes De Villar isang crew ng Mang Inasal Restaurant sa People's Park sa Valenzuela City.
Makikita sa larawan na karga karga ng isang bata ang isang nakababata nyang kapatid. Sila daw ay taga Tondo at iniwan daw sila ng kanyang nanay na nagpaalam lang na bibili ng payong hanggang sa hindi na sila binalikan.
Base sa panayam sa bata ay andun na sila sa gilid ng restaurant ng ala-sais palang ng umaga. Napansin ito ni Myleen dahil ang tagal ng nakaupo sa gilid ng store ang dalawang bata.
Ang post na ito ay agad agad nagtrending at madami sa ating netizens ang nakisimpatya at nagalit sa mga magulang ng mga batang ito. Ang kanilang payak at wala pang muwang na kaisipan ay nilason na ng poot at takot dahil sa ginawa sa kanila ng kanilang magulang.
Ang anak ay responsibilidad ng kanilang ama at ina na buhayin at bigyan ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain damit at tirahan lalo na ang tinatawag na purong pagmamahal mula sa kanilang magulang.
Sana ay makauwi sila ng ligtas sa kanilang tahanan at ipagdasal natin ang mga batang ito na sana ay mas patatagan pa nila ang kanilang loob.
COMMENTS