Sino nga din ba ang makakalimot sa atin ng iconic wedding ng dalawang personalidad sa kanilang teleserye na 'Walang Hanggan'?
Walong taon na ang nakalipas simula nang inere noong January 16, 2012 ang kauna-unahang teleserye ni Coco Martin at Julia Montes na magkasama.
Sino nga din ba ang makakalimot sa atin ng iconic wedding ng dalawang personalidad sa kanilang teleserye na 'Walang Hanggan'?
Sa naturang teleserye, si Julia at Coco ay gumanap bilang Katerina at Daniel. Si Katerina at Daniel naman ay dumaan sa maraming pagsubok bago sila magkatuluyan at nagpakasal.
Marami naman sa mga nanonood ang talagang inabangan ang love story nina Katerina at Daniel, kaya hindi nakakapagtaka na ang teleseryeng 'Walang Hanggan' ay naging isa sa mga top-rater timeslot nito. Ito ay mayroong average na nasa 38% hanggang 40% viewership.
Ayon sa ilang mga balita, umabot sa Php3M ang nagastos ng ABS-CBN para sa wedding episode ng nasabing teleserye.
Pinili naman ng ABS-CBN na ganapin ang wedding sa San Agustin Church sa Manila.
Sa edad na 17, naranasan na ni Julia na maglakad patungo sa altar habang suot niya ang napakagandang gown na idinesenyo naman ni Paul Cabral. Para naman makatungo sa simbahan, sumakay si Julia sa isang horse-drawn carriage.
Isang infinity rings naman ang isinuot ng karakter ni Coco at Julia bilang kanilang wedding rings. Sa unang bahagi naman ng palabas, maririnig na nagbigay ng mga pangako at kasunduan ang dalawa sa isa't isa.
Binigyan ni Daniel si Katerina ng isang infinity ring, kung saan ito ay sumisimbolo sa kaniyang lubos na pagmamahal para sa dalaga.
Nagsilbi namang choir ng kasal nina Katerina at Daniel ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra, sa pamumuno ni Gerard Salonga.
Sa mga dekorasyon naman ng simbahan para sa makasaysayang onscreen wedding ng dalawa, ang mga production staff ay pinili na gamitin ang Cymbidium orchids, kung saan sila ay gumastos dito ng nasa kalahating milyong piso.
Ang wedding episode naman ng dalawa ay inere noong October 15, 2012. Noong October 26, 2012 naman ay inere ang huling episode ng Walang Hanggan.
Ayon sa Kantar Media, ang final episode ng naturang teleserye ay umabot ng nasa 45.4% rating.
Sa kabilang banda, si Coco at Julia naman ay inili-link sa isa't isa sa kasagsagan ng kanilang shooting para sa Walang Hanggan. Subalit, itinanggi ng dalawa na sila ay magkarelasyon.
Naging magkatrabaho pa din naman ang dalawa at nakagawa ng tatlong proyekto na magkasama, ito ay ang pelikula na A Moment In Time noong 2013, teleserye na pinamagatang Ikaw Lamang na inere noong 2014, at ang weekly series na Yamishita's Treasure noong 2015.
Noong 2015 naman ay kumalat ang balita na si Julia at Coco ay opisyal ng magkasintahan, ngunit, nanatili namang tahimik ang dalawa tungkol dito. Sa kaparehas na taon, ang dalawa ay nagkaroon na ng magkaibang proyekto.
Si Julia ay gumanap sa teleserye katulad ng Doble Kara noong 2015 hanggang 2017 at Asintada noong 2018. Sa kabilang banda, si Coco naman ay nagsimulang gawin ang teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.
Noong January 2018 naman ay nagkaroon ng isang grand press conference para sa teleserye na Asintado, kung saan madaming mga reporters ang nag-interview kay Julia. Isa na nga sa mga usapin na kanilang tinalakay ay ang relasyon ni Julia at Coco.
Paliwanag naman ng actress,
"Kasi siguro, close talaga kami. Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami. Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin."
Matapos naman ang Asintado, pinili ni Julia na magbakasyon muna sa Germany, kung saan naninirahan ang kaniyang tatay. Ngunit, matapos nito ay kumalat naman ang mga balita na si Julia ay buntis.
Noong April 2019, kinumpirma ng showbiz inders na si Julia ay nanganak na at si Coco nga ang tatay ng anak nito. Gayunpaman, nananatiling tahimik at walang pahayag na sinasabi sina Julia at Coco tungkol dito.
Nag trending naman si Julia sa Twitter noong October 2019, matapos siyang makita na nagsho-shopping sa isang supermarket sa Manila.
Sa sumunod na buwan, si Julia ay isa sa mga personalidad na bumati kay Coco para sa kaarawan nito gamit ang kaniyang Instagram account. Siya ay nag-upload ng isang framed picture ni Coco at nilagyan ito ng captio na: "HBD."
Noong December 2019, tumulong din si Julia sa pag-promote ng entry ni Coco para sa Metro Manila Film Festival na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
Sa isang press conference naman, kinumpirma na si Julia ay muling magkakaroon ng panibagong teleserye habang si Coco naman ay nasa teleserye pa ring FPJ's Ang Probinsyano.
COMMENTS