Masasabing itinuturing siya ng kanyang mga tao bilang BEST BOSS OF ALL TIME dahil sa kanyang kabaitan at pagiging matulungin sa kanyang manggagawa.
Ang pagtatrabaho ng walong oras kada araw ay talaga namang di biro. Samahan mo pa ng overtime ng isa, dalawa, tatlo at mahigit pang oras. Ngunit, mas masaklap kung di ka binabayaran ng kompanyang tinatrabahuhan mo ng tama at sapat.
Bukod dito, kapag ang boss mo ay talaga namang saksakan ng kakuriputan at kasungitan ay talaga namang wala ka ng choice kundi mag awol o magresign. Iyan ang mga pangunahing dahilan sa panahon ngayon kung bakit nagreresign ang mga tao sa isang kompanya.
Ngunit, paano kung ang boss mo ay namimigay ng libreng bahay taon taon? Aalis ka pa ba?
Oo, tama ang iyong nabasa, trending ngayon sa socmed ang isang company boss na namimigay ng pera kada taon. Itong bahay na binibigay nya ay libre at wala kang kahit ilang singko na babayaran.
Siya si Zhongming Yu, may-ari at Chairman ng Anyu Industry Co Ltd na matatagpuan sa Guangdong China.
Masasabing itinuturing siya ng kanyang mga tao bilang BEST BOSS OF ALL TIME dahil sa kanyang kabaitan at pagiging matulungin sa kanyang manggagawa.
Ang pamimigay niya ng libreng dalawang bahay taon taon sa mga mahihirap na empleyado ay ilan lamang sa mga kabaitang taglay ng boss na ito.
Bukod diyan ay binibigyan niya din daw ng trabaho ang bawat pamilya ng kanyang tao upang umunlad ang kanilang pamumuhay.
Ang pananaw nya ay kung bibigyan mo na sapat at pangunahing pangangailangan ang iyong mga tao ay magreresulta ito ng maayos at mabilis na trabaho na makakatulong din sa pagunlad ng isang kompanya.
Ang kanyang kompanya ay nagsimula noong 2015 at talaga namang paunlad ng paunlad hanggang ngayon.
Mabuhay ka sir! Sabi nga ng karamihan, "SANA ALL".
COMMENTS