Isa nanamang larawan ang pumukaw sa atensyon ng ating mga socmed users.
Isa na namang larawan ang pumukaw sa atensyon ng ating mga socmed users. Siya ang lola na nagbabasa ng bibliya sa labas ng kanilang munting tahanan.
Makikita sa larawan ang lola na seryosong seryoso sa pagbabasa ng salita ng Diyos. Itong larawan ay nilabas ng isang page na Issues International na talaga namang nakaagaw ng pansin ng mga netizens.
Nawalan daw ng kuryente sila Lola kaya naman sa labas siya nagbabasa ng bible upang makita at mabasa niya ng mabuti. Siya ay taga Sitio Nanima, Malungon, Sarangani Province.
Ang mga larawang ito ni Lola ay patuloy na ikinakalat sa facebook maging sa ibang socmed. Ito ay umani ng madaming positibong komento. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
"Yung iba nga..puro daing sa buhay sasabihin ang hirap ng buhay.. Haha...Kaya pasalamat nlng kau kung anung meron kau..tgnan mo si lola...lahat dinadaan mga suliranin kay God."
"God bless po nanay ..more new years to come po sa inyo ..saludo po ako sa inyo nanay at nakakabsa p kyo ng bible maayus p po anf paningin nyo at yan ay pagpapala ng panginoon sa inyo ..."
Talaga namang pinuri at hinangaan siya ng marami. Sana ay maging inspirasyon siya sa ibang tao tulad ng kabataan at may mag pinagdadaanan sa buhay.
Hindi hadlang kung ano ang iyong edad o estado sa buhay, ang importante ay iniintindi mo ang bawat salita ng Diyos para sa atin.
Ang ganitong gawain na pagbabasa ng bibliya ay dapat na tularan ng karamihan upang maiparamdam natin sa Maykapal ang buong pasasalamat, pagsisisi at pananampalataya sa kanya.
Gawin natin siyang prayoridad at sana ay maisagawa at maisapuso natin ang kanyang mga mensahe para sa atin. God Bless you Lola.
Gawin natin siyang prayoridad at sana ay maisagawa at maisapuso natin ang kanyang mga mensahe para sa atin. God Bless you Lola.
COMMENTS