Taong 2002 nang manghiram sa kaniya ang kaniyang kaibigan at nangakong ibabalik ito sa napag-usapan nilang panahon.
Sa panahon ng kagipitan o di inaasahang gastos, marami sa mga tao ang talagang walang magawa kundi ang manghiram ng pera. At dahil sa hirap ng buhay, marami ang hirap na makapagbalik ng nahiram nilang pera.
Isa si Derick Khoo Yew Seng sa nakaranas ng ganito. Ayon sa kaniya, nilapitan siya ng isa niyang kaibigan at naghihiram ng pera. Gayunpaman, nahirapan ang kaniyang kaibigan na ibalik ang perang nahiram nito sa kaniya.
Nagtagal ito ng kulang dalawang dekada.
Ikinuwento ni Seng sa kaniyang Facebook post ang karanasan niya dito. Taong 2002 nang manghiram sa kaniya ang kaniyang kaibigan at nangakong ibabalik ito sa napag-usapan nilang panahon. Pero biglang nawala ng kaibigan niya at hindi na niya makontak. Nagpalit ito ng cellphone number.
Makalipas ang ilang taon, muling nagkakita sina Seng at kaibigan niya. Sinabi naman nito na hindi niya nakakalimutan ang kaniyang atraso sa kaniya at talagang babayaran niya iyon. Dahil dito, nagtiwala naman si Seng sa kaniya.
Ngunit bigo pa rin si Seng na mabawi ang pera niya. Ilang beses daw siyang pinaasa ng kaniyang kaibigan hanggang sa magpalit na naman ito ng contact number. Inisip na lang ni Seng na naputulan ng telephone service ang kaniyang kaibigan kaya hindi na niya ito makontak muli.
Sa ikatlong pagkakataon, muli silang magkausap sa social media makalipas ang ilang taon. Naging tuloy tuloy naman ang kanilang kanilang komunikasyon hanggang sa makatanggap si Seng ng isang mensahe mula sa di-kilalang phone number.
Hinihingi nito ang bank account niya. Dahil sa takot na scam ito, tinanong niya kung sino ito.
Nag-reply ito na siya daw ang kaibigan niya na nakahiram sa kaniya. Kinabukasan, nakatanggap si Seng ng resibo na nagpapatunay na binayaran na siya ng kaibigan niya. Taong 2020 na.
Napaiyak si Seng, hindi dahil sa ibinayad ng kaniyang kaibigan. Napaiyak siya dahil natupad na niya ang kaniyang pangako, 18 taon na ang nakalipas. Sinabi niya na nagbagong buhay na ang kaibigan niya at masaya siya dahil dito.
COMMENTS