Narito ang 8 paraan para malaman kung peke nga ba ang pera:
Alam naman natin na kung sinoman ang mamemeke ng pera, sila ay maaaring makulong at magbigay ng multa. Ngunit kahit ganoon, tila marami pa rin ang gumagawa ng ganitong ilegal na bagay.
At kamakailan nga ay mayroong isang lalaki ang nagsabi na siya ay nakakuha ng pekeng pera sa pamamagitan ng pagwi-withdraw sa kaniyang ATM. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit dapat nating malaman kung peke ba ang pera na ating nakukuha o hindi.
Pagbabahagi ni Rodrigo Casas, Jr., siya ay nag-withdraw sa kaniyang ATM account noong bisperas ng bagong taon sa isang mall sa Taytay Rizal. Sinabi niya na hindi na niya sinuri ang pera na nakuha sa ATM nang ito ay makuha niya.
Saad naman ni Elena Alao, ang siyang tindera ng hardware, na naramdaman niya kaagad na peke ang pera dahil hindi magaspang ang tekstura nito. Nakumpirma naman niya na peke ang binayad na pera sa kaniya nang ito ay suriin niya sa money detector.
Ni-rep0rt naman kaagad ni Casas ang pangyayari sa Bango Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa bangko. Gayunpaman, sinabi naman ng BSP na sa kabila ng pangyayari, ligtas pa rin na gamitin ang mga ATM machine.
Pinaalala din nila na dapat kaagad na i-turnover o i-report ang pangyayaring insidente kung sakaling mga pekeng pera ang makukuha.
Narito ang 8 paraan para malaman kung peke nga ba ang pera:
1. Tignan mabuti ang kulay nito
Maaari mong ikumpara ang kulay ng pera sa iba pang kaparehong halaga nito kung ikaw ay mayroong hinala na ang pera na iyong hawak ay peke. Madalas na mayroong mas matingkad na kulay ang pekeng pera kaysa sa totoo.
2. Suriin kung ito ba ay makinis kapag hinahawakan
Ang totoong pera ay mayroong magaspang na tekstura na hindi kailanman kayang gayahin ng mga taong gumagawa ng pekeng pera. Ito ay isa sa mga katangian na panlaban sa mga namemeke ng pera. Sinasabi naman na sa cotton fibers at abacca gawa ang totoong pera bilang proteksyon nito.
3. Ang mga imahe at numero ay magaspang
Mararamdaman mo naman na mayroong karagdagang gaspang ang mga imahe at numero ang totoong pera kapag ito ay hinahawakan mo.
4. Ang mga pekeng pera ay madaling ma-damage
Kapag naiiwan sa bulsa ng mga labahin ang totoong pera at ito ay nababasa, mapapansin mo na hindi kaagad agad kumakalat ang kulay ng mga naka-print ito. Ngunit, kapag ang pera ay madaling mapunit at kumakalat ang mga kulay nito tuwing ito ay nababasa, ito ay nangangahulugan na ang pera na iyong hawak ay peke. Maaari rin kaagad na magkaroon ng damage ang pekeng pera kapag ito ay natuyo at nagalaw mo.
5. Ang totoong pera ay mayroong watermark
Ang imahe naman sa kanang bahagi ng totoong pera ay mayroong watermark. Dapat mabuting tignan ang pera kung kapareho ito ng imahe na mayroong ito sa pamamagitan ng pagtapat ng pera sa ilaw. Mas mabuti naman kung ito ay titignan o susuriin gamit ang ultraviolet light na ginagamit naman ng mga money detector.
6. Security thread
Mayroong mga security thread na mapapansin sa mga papel na pera. Mayroong nakalagay na 2mm sa security thread ng mga halagang Php20 at Php50 samantalang mayroong 4mm na security thread ang halagang Php100 at higit pa. Maaari mo ring matignan kung totoo nga ba ang nakalagay na security thread sa Php100 pataas dahil maaaring mabago ang kulay nito kapag titignan ang pera ng patagilid.
7. Tignan mabuti ang hologram
Ang hologram naman na matatagpuan sa Php500 at Php1,000 ay isa sa mga bagay na hindi magaya ng mga namemeke ng pera. Ito ay ang mga bilog na hologram patch na matatagpuan sa harapan na itaas ng kaliwang bahagi ng pera. Nagbabago rin ang kulay nito tuwing ito ay titignan ng patagilig katulad ng security thread.
8. Tignan mabuti ang serial number ng pera
Mayroong 2 letra at 6 na numer sa mga serial number ng totoong pera. Ang pagkakasulat din dapat nito ay lumalaki mula sa kaliwa. Kapag naman itatapat ang pera sa liwanag, mayroong kang makikitang mga Baybaying na letra sa ibaba ng serial numbers. Tignan din dapat mabuti ang serial number na hindi ito dapat maulit sa ibang pera dahil ito ay isa na sa mga senyales na peke ang pera na iyong hawak.
COMMENTS