Sinabi niya na pinagdaanan niya ang pagiyak gabi gabi at sinabi niya din na ibinigay niya ang lahat ngunit niloko pa din siya.
Naging sikat si Kiray Celis bilang isang magaling na comedian at aktres. Una siyang namayagpag sa Going Bulilit ng ABS-CBN na naging sandata niya sa kung ano ang meron siya ngayon.
Matapos siyang grumaduate sa Going Bulilit ay sunud sunod ang mga naging projects niya. Bumida siya sa ibat ibang segments, movies at teleserye at ngayon ay may movie siya kasama si Ms. Aiai Delas Alas na “D Ninang” sa direksyon ni GB Sampedro na kung saan ay kasama nya din sila Kisses Delavin, McCoy De Leon at Kelvin Miranda.
Dahil sa kanyang maningning na karera sa showbiz ay di din naman maaalis na pagusapan ang kanyang buhay pag-ibig.
Trending ngayon ang naging post niya sa kanyang IGAccount na nilagyan nya ng pamagat na “MALING TAO “.
Tila hugot na hugot ang naging post niya dahil ito ay tungkol sa naging ex niya na siguro ay niloko siya. Sinabi niya na pinagdaanan niya ang pagiyak gabi gabi at sinabi niya din na ibinigay niya ang lahat ngunit niloko pa din siya.
Pinangaralan niya ang kanyang mga fans na ang mga bad experiences niya na alam niya ay naranasan din ng ibang tao ay lessons lamang at huwag sayangin ang oras dahil lang sa maling tao.
Sa ngayon ay ipinost niya na din ang bago niyang boyfriend na talaga namang napakaguwapo at narito ang kanyang sinabi base sa isang interview.
"Super mabait siya, Sobrang marespeto lalo na family-oriented ako, sobra niya ding nirerespeto ang magulang at kapatid ko. Kapag hindi puwede sa parents ko, kahit gusto namin, ay hindi talaga namin ginagawa o pinupuntahan, dahil ganun ang respeto niya sa magulang ko."
Nakakatuwa ang bagong love story ngayon ni Kiray at makikita natin na masaya siya at inlove na inlove sila sa isa't isa. Sana siya na si right man mo Kiray.
COMMENTS