Muntik pa nga siyang maiyak dahil naalala niya ang simpleng buhay nila dati at doon din siya lumaki at nagsimulang mangarap.
Si Kim Sue Yap Chiu o mas kilala bilang Kim Chiu ay isa sa mga sikat na artista ngayon sa ABS-CBN. Una siyang nakilala at nadiskubre noong siya ay 16 na taong gulang at pumasok siya sa Bahay ni Kuya na isang segment show sa Kapamilya Channel2.
Matapos ang kanyang pakikipagsapalaran sa loob ni Kuya ay itinanghal siya bilang PBB Big Winner at nakatanggap ng madaming premyo.
Magmula noon ay naging maingay na ang kanyang pangalan sa larangan ng showbiz Nagkaroon siya ng mga shows, teleserye, pelikula at naging TV Host din siya.
Hindi maitatanggi na kuminang talaga ang kanyang karera kaya naman ay nakabili na siya ng kanyang sariling sasakyan at bahay.
Naibili niya din ang kanyang pamilya ng isang 2 bedroom condominium sa Cebu City kung saan siya dati nakatira. Ngunit, ano kaya ang itsura ng kanilang bahay dati? Tara alamin natin.
Sa ngayon ay isa na din siyang Vlogger na kung saan isa sa mga video nya ay ang pagbabalik niya sa kanilang dating bahay.
Muntik pa nga siyang maiyak dahil naalala niya ang simpleng buhay nila dati at doon din siya lumaki at nagsimulang mangarap.
Ayon kay Kim ay ipinagkasya nila ang kanilang kusina, sala at kuwarto sa maliit na espasyong makikita ninyo sa mga larawan.
Sabi niya din ay, "All the hardwork, mga pagod at puyat. Ito yung isa sa mga hidden treasures ko sa Cebu City. Kapag mga ganito it is really a good investment kaysa igastos mo sa mga kotse, sa mga luho mo. Ito makikita mo talaga yung hardwork mo."
Agad agad namang nagreact ang kanyang mga fans na sinabing, “You deserved the good things in life kimmy kc sobra mng bait love you chinita “
COMMENTS