Alam mo ba ang maaaring sanhi kung bakit bigla na lamang namumula ang iyong mukha?
Sa iba't ibang mga okasyon at mga party, marami sa atin ang sinisigurado na makapagbigay ng saya at pinakamagandang karanasan sa ating mga bisita. Kaya naman talagang pinaplano natin ang lahat dito, mula sa mga pagkain na ating ihahanda sa ating mga bisita, ang venue o ang lugar na siyang paggaganapan ng pangyayari, mga aktibidad na ating ihahanda para sa ating mga bisita, at marami pang iba.
Ngunit, syempre, hindi mawawala sa kahit anong okasyon ang mga inumin katulad na lamang ng mga alak.
Ang mga alak din na ihahanda sa mga bisita ang isa sa mga pinaplano tuwing mayroong okasyon.
Para naman sa mga taong mahilig talagang pumarty o di kaya ay uminom, natural na sa kanila ang hindi huminto sa pag-inom ng alak hanggang sa sila ay malasing ng sobra.
Ngunit, ikaw ba ay isa sa mga taong madalas nagiging pula ang mukha tuwing umiinom ng alak? O di kaya naman ay alam mo ba ang maaaring sanhi kung bakit bigla na lamang namumula ang iyong mukha?
Ang tawag sa pamumula ng pisngi tuwing umiinom ng alak ay A1cohol flush reaction. Ang mga side effects naman nito ay kadalasang pamumula ng balat, pagsusuka, pagkahilo, at mabilis na tibok ng puso.
Ang sanhi naman ng pamumula ng mukha ay ang pagtaas ng mga acetaldehyde sa katawan ng isang tao. Ang Acetaldehyde ay isang lubos na nakakalason at isang uri ng tinatawag na carcin0gen.
Kapag naman tumama ang alak sa atay ng isang tao, maaari nito itong gawing acetaldehyde sa pamamagitan ng pagme-metabolize dito. Madalas ay mabilis nito itong palitan sa mas ligtas na paraan o tinatawag na acetate.
Ngunit ang mga taong nakakaranas ng a1cohol flush reaction ay hindi pangkaraniwan. Mabilis nilang pinapalitan ng acetaldehyde ang mga alak na napunta sa kanilang katawan. Ngunit, ang kanilang mga atay ay nagkakaroon ng mas mabagal na proseso para mapalitan ang acetaldehyde ng isang acetate.
Ang mas malala namang side effects ng acetaldehyde ay ang mga 1ason na mayroon ito. At kung ito ay hindi maaagapan kaagad, may malaking posibilidad na ito ay maging sanhi ng c4ncer sa bibig at lalamunan.
Ang a1cohol flush reaction naman ay isang kondisyon na namamana. Ito ay sinasabing nagmula sa Han Chinese, sa Central China. Sa paglipas naman ng panahon, ito ay kumalat ng kumalat sa East Asia. Sinasabing mayroon ng nasa 1/3 na East Asians ang mayroong na ito
Ang a1cohol flush reaction din ay wala pang gamot na maaaring makapagpagaling dito dahil na rin nga ang sakit na ito ay namamana.
Para naman ito ay maiwasan ng mga taong nagkakaroon ng ganitong reaksyon tuwing umiinom, mas mabuting tigilan ang labis labis na pag-inom ng alak.
COMMENTS