Nang makita nyang may ilegal na naka-park sa gilid ng highway na ito ay walang awa niyang sinasagasaan at niyupi gamit ang isang Soviet-Era Armored Personnel Carrier.
Ang I11egal Parking isa sa mga batas sa kalsada na isa sa malaking usapin sa panahon ngayon. Ang ordinansang ito ay isang simple lamang na batas ngunit napakahirap sundin at intindihin ng mga vehicle users tulad ng motor, kotse at iba pang uri ng sasakyan.
Nito nga lang nakaraan ay binigyang diin at pansin ito ni President Rodrigo Duterte na kung saan ay sinabi niya na “Huwag bumili ng sasakyan kung wala kang sariling Parking Lot” at ito naman ay ipinatupad mula sa bawat Barangay, Bayan at Lungsod ng Pilipinas.
Hinigpitan ng ating awtoridad ang naturang ordinansa at agad din naman tayong nakiisa sa proyektong ito. Ngunit ngayon, paunti-unti na naman bumabalik ang mga pasaway at naghahari harian na vehicle users sa kalsada.
Ibahin niyo itong ginawag teknik ng isang Mayor na makikita ninyo sa larawan at video. Siya si Mayor Arturas Zuokas ng Vilnius, capital siyudad ng bansang Lithuania.
Nang makita nyang may ilegal na naka-park sa gilid ng highway na ito ay walang awa niyang sinasagasaan at niyupi gamit ang isang Soviet-Era Armored Personnel Carrier.
Ang nasabing carrier ay isang 8-wheeled camouflage na sasakyan at kasama ni Mayor ang dalawa niyang kaibigan habang ginawa ang pagsagasa sa kotse na isang Mercedez Benz.
Lingid sa kaalaman ng lahat na ang naturang pagsagasa at pagyupi ng Mercedez na kotse ay parte lamang pala ng pagpapaigting ng batas na “I11egal Parking” sa nasabing bansa.
Ang kotse ay binili mismo ng gobyerno upang sagasaan lang upang magsilbing WARNING sa mga pasaway na may-ari ng sasakyan. Mapa-maliit o malaki man yan ay hindi nila patatawarin basta ikaw ay lumabag sa batas na I11egal Parking.
Sa ngayon ay madami na ang viewers ng video at mga litratong ito at madami din ang naalarma at natakot. Sana ay maging mabisa ang naging komersyal na ito hindi lamang sa bansang Lithuania kundi maging dito din sana sa ating bansa
Huwag na nating gawin din ni President Duterte ang ganyang senaryo bagkus makipagtulungan tayo dahil para din naman sa kapakanan natin ang iniisip ng ating gobyerno para sa atin.
COMMENTS