Ibinahagi din nya na siya ay nagbigay ng nasa 500 na kumot at 500 magic pillows para ang mga evacuees ay makatulog ng komportable at hindi nalalamigan.
Kamakailan lamang hinangaan ang isang Indiyano dahil sa kaniyang kabutihan kung saan siya ay nag-donate ng mga kumot at magic pillows para sa mga evacuees na naapektuhan ng pag-aalburot ng Taal Volcano. Marami din sa ating mga netizens ang pumuri dahil sa kabutihan na kaniyang ipinakita sa mga Pinoy.
Ipinakita din ng Indonesian national na si Rocky Rakesh na hindi hadlang ang hindi pagiging isang Pinoy para tumulong at magkaroon ng 'Pusong Pinoy' para sa mga nangangailangan ng tulong.
Ibinahagi din ng nya na siya ay nagbigay ng nasa 500 na kumot at 500 magic pillows para ang mga evacuees ay makatulog ng komportable at hindi nalalamigan.
Ayon naman sa kaniyang caption sa kaniyang Facebook post, sinabi niya:
“500 blankets and 500 magic pillows ready to dispatch for evacuees of Taal (Batangas) Volcano. God loves everyone from Vasandani family.”
Ngunit, ang mas nakakabilib at nakakamangha pa dito ay hindi ito ang unang beses na tumulong si Rakesh sa mga taong nangangailangan.
Sa katunayan, makikita sa kaniyang socmed account ang ilang photo album kung saan ito ay puno ng larawan ng kaniyang mga community project.
Sa mga larawan naman, makikita na nagbibigay si Rakesh ng mga tsinelas para sa mga bata. Nagbibigay din siya ng mga regalo sa mga matatanda at sa mga may kapansanan ng mga walkers at crutches.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagbahagi ng kaniyang post kung saan kanilang pinuri si Rakesh at kaniyang pamilya dahil sa kanilang kabutihan.
Nagpasalamat din ang ibang netizens sa pagiging bukas-palad at pagiging mapagbigay ni Rakesh sa mga nangangailangan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Thanks for being a good and kind person. God always be with you and the whole family, sir.”
“God bless you for your kindness. May more people be as loving and kind as you.”
“Very nice. Thank you so much sir for being so kind to Filipinos.”
COMMENTS