Nagcutting daw sya sa kanyang klase at nagpunta ng Singapore.
Kinakatuwaan ngayon ang mga litrato ng estudyante na ito na diumano ay nagcutting sa kanyang klase at pumunta ng Singapore.
Siya si Biboy Ces Tamposo, isang estudyante ng SHS sa Polytechnic University of the Philippines.
Nagtrending siya dahil sa mga ipinost niyang mga litrato noong January 20 na lumikom ng madaming likes, reactions at comments.
Nagcutting daw sya sa kanyang klase at nagpunta ng Singapore. Makikita sa mga larawan na siya ay nakuniform pa at nakasuot pa ang id lace habang nag eenjoy sa bansang Singapore.
Una niyang litrato ay ang kuha niya sa sikat na Merlion na istatwa sa Singapore. Ang Merlion na ito ay isa sa mga tourist attraction sa nasabing bansa na kung saan ito ay istatwa ng isang leon na nakanganga at may lumalabas na tubig.
Ang naging caption niya dito ay,
“Picture muna ako dito. Walang ganito sa lagoon.”
Sumunod na larawan ay ang kuha ng litrato na parang umiinom siya sa Merlion at ito ang kanyang caption,
“Teka nauhaw ako.”
Ang pangatlong larawan naman ay kuha sa sikat din na landmark sa Singapore, ang Universal Studios.
Sa ngayon ay mayroon ng 16,000 reactions ang mga post niya sa kanyang facebook account at patuloy pa sa dami ng mga nagsshare ng mga kanyang litrato na hindi mo lubos akalain na nagcutting class pala siya at hindi totoong bakasyon.
Mga millenials nga naman napakadaming pakulo sa panahon ngayon. Ngunit, hindi tama ang pagccutting class at hindi dapat tularan ang ginawa ni Biboy. Hindi biro ang mga pera na ipinupundar para sa tuition fee kaya dapat lang sana ay suklian din ito ng magandang kapalit sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at hindi pagsuway sa kanilang mga magulang.
COMMENTS