Ibinahagi Ni Angel Locsin Kung Paano Ba Siya Nadiskubre At Nagsimula Bilang Artista

Sa isang panayam kay Angel Locsin sa Magandang Buhay nang siya ay mag-guesting dito, ibinahagi ng actress kung paano nga ba siya nadiskubre at kung kailan siya nagsimula bilang isang artista.


Hindi naman na lingid sa ating kaalaman kung kailan at paano nagsimula ang ating mga paborito at mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz dahil ito ay madalas nilang naibabahagi. Ang ibang mga artista ay nadidiskubre sa pamamagitan ng mga reality shows ng mga TV networks habang ang iba naman ay nadidiskubre sa mga auditions.

Ngunit mayroon din namang mga artista na nadiskubre lamang sa mga hindi inaasahang pagkakataon, kagaya na lamang ng sikat na personalidad na si Angel Locsin.

Sa isang panayam kay Angel Locsin sa Magandang Buhay nang siya ay mag-guesting dito, ibinahagi ng actress kung paano nga ba siya nadiskubre at kung kailan siya nagsimula bilang isang artista.


Saad ng actress, siya daw ay nasa isang Mall lamang noon at naggo-grocery kasama ang kaniyang kaibigan nang biglang mayroon siyang napansin na isang lalaki na nakapila sa isang lotto outlet.

Dagdag pa ng actress na siya ay nagulat nang mapansin na tila papunta sa kaniya ang lalaki na dahilan ng kaniyang pagtakbo palayo rito dahil siya din ay nakaramdam ng takot sa biglang paglapit nito sa kaniya at sa pag-aakala na kukuhanin siya nito.

Para na rin hindi maabutan ng lalaki, mabilis na tumakbo ang actress na naging sanhi naman ng pagkapunit ng plastic na kaniyang dala na mayroong lamang grocery.



Ngunit, naabutan naman siya ng lalaki at binigyan lamang siya ng calling card nito. Doon din niya nalaman na nais lamang pala mag alok ng lalaki ng malaking oportunidad sa kaniya, ayun ay ang pagiging modelo ng isang commercials.


Tinanong din siya ng lalaki kung gusto niya bang maging modelo ng mga commercials. Ang alok naman ng lalaki ay tinanggap rin ni Angel dahil na rin nga sa nais niyang makatulong sa kaniyang pamilya.

Pagbabahagi rin ng actress na biniro pa niya ang lalaki at tinanong dito kung magkano ang pera na kaniyang makukuha sa pagmomodelo para sa commercials.


Dagdag pa ng actress na kailanman ay hindi niya naisip at inakala na siya ay darating sa buhay na mayroon siya ngayon, iyon na nga ang pagiging isang sikat na artista na nakikita at lumalabas sa mga pelikula at teleserye sa telebisyon.

Sinabi din ng actress na hindi naging madali sa kaniya ang pagsisimula niya sa showbiz dahil pagod at hirap sa pagcocomute ang kaniyang naranasan sa murang edad pa lamang, ngunit ito ay binalewala niya lamang at tiniis ito upang siya ay makatulong sa kaniyang pamilya. Inisip niya talaga noon ang pera na kaniyang kikitain para sa mga commercials upang siya ay hindi sumuko at magpatuloy lamang sa ginagawa sa kabila ng hirap at pagod na naranasan.


Nagkaroon din si Angel ng pagkakataon na pumasok sa isang workshop kung saan may batas rito na hindi maaaring sabihin o ikwento sa iba kung ano ang mga ginagawa at nagaganap sa loob ng workshop.


Ito rin ay isa sa mga dahilan kung bakit nagalit ang ama ni Angel sa kaniya noon at hindi sumang-ayon sa pagaartista ng actress dahil sa kinakailangang paglilihim ng actress sa kaniyang ginagawa tuwing siya ay nagwo-workshop.

Sa kabila ng pagsubok at hirap, ngayon naman ay tinuturing na isa sa mga sikat at beteranang artista si Angel Locsin na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag sa showbiz industry.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Ibinahagi Ni Angel Locsin Kung Paano Ba Siya Nadiskubre At Nagsimula Bilang Artista
Ibinahagi Ni Angel Locsin Kung Paano Ba Siya Nadiskubre At Nagsimula Bilang Artista
Sa isang panayam kay Angel Locsin sa Magandang Buhay nang siya ay mag-guesting dito, ibinahagi ng actress kung paano nga ba siya nadiskubre at kung kailan siya nagsimula bilang isang artista.
https://1.bp.blogspot.com/-VfSNK0Bk6zo/XivCWQGt1PI/AAAAAAAB_fs/tYhpkVD3znQeHJgQfRrgOsUIyArQJ301wCLcBGAsYHQ/s640/young%2Bangel%2Blocsin.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-VfSNK0Bk6zo/XivCWQGt1PI/AAAAAAAB_fs/tYhpkVD3znQeHJgQfRrgOsUIyArQJ301wCLcBGAsYHQ/s72-c/young%2Bangel%2Blocsin.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2020/01/ibinahagi-ni-angel-locsin-kung-paano-ba.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2020/01/ibinahagi-ni-angel-locsin-kung-paano-ba.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy