Marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila ang mga huling IG post at tweet ni Kobe ay tila namamaalam na.
Marami sa atin ang sigurado ang nagulat at hindi makapaniwala na wala na ang isa sa mga magagaling na NBA basketball player na si Kobe Bryant.
Nitong umaga lamang ay naiulat na si Kobe ay namatay noong Linggo, January 26, matapos mag crash ng helicopter na sinasakyan nito malapit sa Los Angeles, kasama nito ang kaniyang 13 taong ulang na anak at pito pang katao.
Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang nagsasabi na tila ang mga huling IG post at tweet ni Kobe ay tila namamaalam na.
Sa kaniyang huling IG post, siya ay nag-post pa ng kaniyang larawan kasama si Lebron James kung saan nagbigay rin ito ng mensahe kay Lebron.
Sa kaniyang Twitter account naman, makikita sa kaniyang huling tweet na siya din ay nagbigay ng mensahe para kay Lebron kung saan nagpahayag pa siya ang kaniyang respeto para sa kapwa manlalaro.
Ayon sa mga opisyal, ang chopper ay bumagsak bandang 10 ng umaga sa hilly terraine sa Calabasas, California na naging sanhi naman ng pagkasunog ng helicopter na sinasakyan nito.
Base sa pahayag ng Los Angeles County Sheriff na si Alex Villanueva,
"There were no survivors. We have a manifest that indicates there were nine people on board the aircraft, the pilot plus eight individuals."
Kinumpirma din ng NBA Commissioner na si Adam Silver na si Bryant kasama ang anak nito na si Gianna ay kasama sa mga namatay at nagbigay rin sila ng pakikiramay sa asawa ni Bryant na si Vanessa.
"He was one of the most extraordinary players in the history of our game with accomplishments that are legendary."
Ayon din sa ulat ng NBC News, kasama rin sa mga namatay ang teammate ng anak ni Bryant, ang magulang nito, at ang piloto na kanilang kasama sa helicopter.
Maging ang baseball coach ng Orange Coast College na si John Altobelli ay kasama sa mga namatay.
Si Kobe Bryant ay nagsimulang sumikat sa larangan ng basketball noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Siya ay naglaro sa Los Angeles Lakers ng 20 taon kung saan ang 18 sa kanila ay mga all-stars at nakakuha din sila ng limang NBA championships.
COMMENTS