Makikita natin ang pagmamalasakit ng isang alkalde ng bayan ng Noveleta sa Cavite na si Mayor Dono Chua. Dahil sa pinsalang dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal
Evacuation Center - isang lugar kung saan matatagpuan ang iba't ibang mga tao na pare-parehas na nakaranas ng mga kasakunaan.
Dito madalas nating makita ang malungkot na kalagayan ng mga evacuees - walang pagkain, inumin, disenteng higaan, palikuran at nagkakahawaan ng sakit ang mga bata pati ang matatanda. Bagaman nagsisikap ang pamahalaan na ibigay ang mga pangangailan ng kanilang nasasakupan, hindi ito laging sapat.
Gayunpaman, makikita natin ang pagmamalasakit ng isang alkalde ng bayan ng Noveleta sa Cavite na si Mayor Dono Chua. Dahil sa pinsalang dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal, kinailangang gamitin ang kanilang gymnasium bilang evacuation center.
Pero hindi lang ang lugar ang ipinahiram nila, siniguro din nila na magiging kumportable ang mga manunuluyan anupat nag-provide sila ng higaan na double deck.
Sa maayos na pagkakasalansan ng mga double deck, mapagkakamalan mong nasa special room ka sa isang hotel. Talagang level up ang evacuation center na ito sa Noveleta Cavite.
Ang ipinasilip na larawan ni Joshua Capul ay talaga namang pumukaw sa atensyon at papuri mula sa mga netizens. Isa pang kapuri-puri dito ay ang ating mga kababayan na walang sawang sumuporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang taos pusong mga donasyon sa abot ng kanilang makakaya.
Nandiyan din ang mga mamamayan ng Noveleta Cavite na nagtutulong tulong para maisaayos ang mga double decks at malagyan ito ng mga foams.
Talagang nakakaantig puso ang pagdagsa ng tulong mula sa pribadong sektor at mula rin publiko. Buhay na buhay pa rin ang espiritu ng Bayanihan sa ating bansa at talagang maaasahan kapag sa panahon ng sakuna.
Nawa nga na ang mga kababayan natin na matinding naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ay patuloy pang makatanggap ng tulong sa materyal, emosyonal at espirituwal na paraan upang makapanatiling silang matatag at makapagpatuloy kahit nasa mahirap na kalagayan.
COMMENTS