Dalawa sa mga menu ng jollibee ang tinanggal na simula noong January 1 na itinaon sa pagpasok ng taong 2020.
Dalawa sa mga menu ng jollibee ang tinanggal na simula noong January 1 na itinaon sa pagpasok ng taong 2020. Ang dalawang menu na ito ay ang Burger Champ at Big Burger Steak.
Ito ay kinumpirma ni Lyn Fernandez na isang store manager na taga Pacita, Laguna. Ang impormasyong ito ay ayon sa naganap na interview ng Coconuts Manila kay Lyn na Phase Out na talaga ang mga nabanggit na menu ng Jollibee.
Sinabi na inubos na lang ang stocks ng mga naturang produkto noong Disyembre 2019 at di na daw kailangan na irestock pa ulit.
Sinabi din ni Lyn na ang mga na phase out na produkto ng Jollibee ay maaari din naman mapalitan ng fish sandwich.
Dagdag pa ni Lyn, hindi naman nawala ang mga ito dahil halos kapareho din naman ng mga Deluxe Burgers ang Burger Champ at wala din namang pinagkaiba ang Big Burger Steak sa Regular Size na Burger Steak maliban sa size nito.
Ito ay isang magandang balita at na eexcite din naman ang mga tao para sa bagong ilalabas na product line ng Jollibee.
Samantala, naglabas na ng pormal na anunsyo ng Jollibee Corporation noong January 2 na phase out na talaga ang mga nasabing produkto. Maging sa online menu ng Jollibee ay wala na din talaga.
Ang ganitong rigodon ay marahil parte ng pag iimprove ng Jollibee sa kanilang Food Product Line. Sinasabi na resulta daw iyon ng mga pinagsama samang survey na naganap at nalikom mula sa ibat ibang branches ng Jollibee. Narito ang ilang parte ng statement ng Jollibee ukol dito.
“Our customers can enjoy the same langhap-sarap beefy goodness by trying our double patty Yumburgers—regular, cheesy and cheesy deluxe variants. These are extra filling, juicy, delicious and great value for money,”.
“Our product offerings are being reviewed regularly to meet customer demands so there’s always a chance that old Jollibee classics—including the Champ—may return in the future,”.
Bilang Trivia, ang Champ ay unang inilabas noong taong 1984 na kung saan ay 35 na taon ang itinagal nito sa Jollibee. Paalam Champ, Paalam Big Burger Steak.
COMMENTS